BEGIN:VCALENDAR
VERSION:2.0
PRODID:-//Lighthouse Christian Church - ECPv6.15.13//NONSGML v1.0//EN
CALSCALE:GREGORIAN
METHOD:PUBLISH
X-ORIGINAL-URL:https://lcc.org.ph
X-WR-CALDESC:Events for Lighthouse Christian Church
REFRESH-INTERVAL;VALUE=DURATION:PT1H
X-Robots-Tag:noindex
X-PUBLISHED-TTL:PT1H
BEGIN:VTIMEZONE
TZID:Asia/Hong_Kong
BEGIN:STANDARD
TZOFFSETFROM:+0800
TZOFFSETTO:+0800
TZNAME:HKT
DTSTART:20250101T000000
END:STANDARD
END:VTIMEZONE
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260125
DTEND;VALUE=DATE:20260126
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T073239Z
LAST-MODIFIED:20260124T073239Z
UID:2104-1769299200-1769385599@lcc.org.ph
SUMMARY:Pangatlong Araw ng Panginoon
DESCRIPTION:﻿
URL:https://lcc.org.ph/devotion/pangatlong-araw-ng-panginoon/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260123
DTEND;VALUE=DATE:20260124
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T072921Z
LAST-MODIFIED:20260124T072921Z
UID:2100-1769126400-1769212799@lcc.org.ph
SUMMARY:Hindi na Tayo Alipin pa ng Kasalanan
DESCRIPTION:Roma 6:6 (ASD)Na nalalaman natin\, na ang dati nating pagkatao ay ipinako sa krus na kasama niya\, upang ang katawan ng kasalanan ay maalis\, upang tayo’y huwag nang maglingkod pa sa kasalanan. \n\n\nNagpapatuloy ang paglalahad ng unang bahagi ng Heidelberg Catechism patungkol sa miserableng kalagayan ng sangkatauhan dahil sa kasalanan. Kung hindi tayo ililigtas ng Diyos\, mananatili tayong miserable at walang pag-asa. Ipinapahayag ng Kasulatan na ang tao\, sa kanyang likas na kalagayan\, ay patay sa kasalanan at alipin ng pita ng laman. Ito ay malinaw na ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos gaya ng Efeso 2:1–3 at Juan 8:34. \nNgunit gaya ng Roma 6:6\, ipinakikita rin sa atin ang dakilang katotohanan na dulot ng Ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Ang “dating pagkatao” ay tumutukoy sa ating lumang kalagayan kay Adan—makasalanan\, makasarili\, at nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Ang pagpapala ng Mabuting Balita ay ito: ang lumang pagkataong ito ay ipinako na sa krus na kasama ni Cristo. Sa Kanyang kamatayan\, hindi lamang Niya binayaran ang parusa ng kasalanan\, kundi winasak din Niya ang kapangyarihan nito. Ang bunga nito ay malinaw: hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. \nGayunman\, hindi nito ibig sabihin na agad tayong namumuhay nang perpekto at ganap sa kabanalan. Nililinaw ng Kasulatan na ang katotohanang tayo’y pinalaya na ay patuloy pang isinasagawa sa ating araw-araw na buhay sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang pakikipag-isa kay Cristo ay parehong isang tiyak na katotohanan at isang nagpapatuloy na proseso. Tayo’y pinalaya na\, ngunit tayo rin ay tinatawag na mamuhay ayon sa kalayaang ito—na ituring ang ating sarili bilang patay na sa kasalanan at buhay sa Diyos kay Cristo Jesus. \nAno ang nararapat nating tugon sa katotohanang ito? Una\, kilalanin natin na hindi na tayo alipin pa ng kasalanan. Hindi na tayo obligado na sundin ang dati nating panginoon. Ikalawa\, mamuhay tayo araw-araw na may pagsisisi at pananampalataya—pinapasan ang krus\, itinatanggi ang sarili\, at umaasa lamang sa biyaya ng Diyos. Ikatlo\, magpasakop tayo sa patuloy na gawain ng Banal na Espiritu na pumapatay sa mga gawa ng laman at humuhubog sa atin ayon sa wangis ni Cristo. Ang lahat ng ito ay tiyak na magaganap\, hindi dahil sa ating pagsisikap\, kundi dahil lamang sa ganap nang ginawa ni Cristo sa krus at sa Kanyang muling pagkabuhay. Ang Banal na Espiritu ang Siyang naglalapat sa atin ng lahat ng pagpapalang bunga ng ginawa na ni Cristo. \nTandaan na dahil sa kamatayan ni Cristo at sa ating pakikipag-isa sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya\, napalaya na tayo sa kaparusahan at kapangyarihan ng kasalanan na minsang sumakop sa atin. Hindi na tayo mga alipin ng kasalanan\, kundi mga pinalaya at itinuring na mga anak ng Diyos—tinatawag na mamuhay sa kabanalan at pasasalamat habang hinihintay ang kaganapan ng kaligtasang ito sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus. Sa araw na iyon\, hindi na lamang tayo palalayain sa kaparusahan at kapangyarihan ng kasalanan\, kundi maging sa mismong presensya nito. \n\n“Kaya’t ituring ninyo ang inyong sarili na patay na sa kasalanan\, ngunit buhay sa Diyos kay Cristo Jesus.”Roma 6:11
URL:https://lcc.org.ph/devotion/hindi-na-tayo-alipin-pa-ng-kasalanan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260122
DTEND;VALUE=DATE:20260123
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T072830Z
LAST-MODIFIED:20260124T072830Z
UID:2098-1769040000-1769126399@lcc.org.ph
SUMMARY:Makasalanan Buhat nang Isilang
DESCRIPTION:Salmo 51:5 (ASD)\nNarito\, ako’y ipinanganak sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina. \n\n\nMadalas iniisip ng tao na ang pangunahing problema niya ay ang kanyang mga maling gawa—na kung mababago lamang ang asal\, disiplina\, o kapaligiran\, maaari na siyang maging mas mabuting tao. Kaya’t maraming nagsisikap na baguhin ang sarili sa pamamagitan ng edukasyon\, moral na pagsasanay\, o relihiyosong gawain. Subalit itinuturo ng Salita ng Diyos na ang tunay na problema ng tao ay hindi lamang nakikita sa kanyang mga ginagawa\, kundi mas malalim—ito ay nasa kanyang likas na kalagayan. Ang ugat ng kasalanan ay hindi panlabas\, kundi nasa kaibuturan ng tao. \nIto ang mapagpakumbabang pag-amin ni David sa Salmo 51:5. Batid niyang ang kanyang pagkakasala ay manipestasyon lamang ng makasalanan niyang pagkatao na mula pa noong siya ay nasa sinapupunan pa lamang. Ito rin ang itinuturo ng Heidelberg Catechism Q&A 8\, na nagsasabing tayo ay “likas na may hilig sa kasamaan” at walang kakayahang gumawa ng tunay na mabuti maliban kung tayo’y ipanganak na muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. \nKaya sa Juan 3:6\, malinaw na sinabi ni Jesus\, “Ang ipinanganak sa laman ay laman.” Ipinakikita ng pahayag na ito na ang likás na tao\, sa kanyang natural na kapanganakan\, ay nananatiling alipin ng makasalanang kalikasan. Ang laman ay hindi kayang lumikha ng espirituwal na buhay; hindi nito kayang baguhin ang sarili o lumapit sa Diyos sa sariling kakayahan. Kaya’t ang kasalanan ay hindi lamang natutunan—ito ay likas na hilig ng puso ng tao. \nKaya naman sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 3:7 na kailangang ipanganak tayong muli upang mapabilang sa kaharian ng Diyos. Ang bagong buhay na ito ay hindi bunga ng pagsisikap ng laman\, kundi ng makapangyarihang gawain ng Espiritu Santo. Kung walang bagong kapanganakan\, mananatili ang tao sa kanyang dating kalagayan—hiwalay sa Diyos at alipin ng kasalanan. \nDahil dito\, tayo ay dapat tumigil sa pagtitiwala sa sariling pagbabago at iwan ang pag-asa sa sariling lakas. Sa halip na umasa sa disiplina\, moralidad\, o relihiyosong gawain\, tayo’y inaanyayahang lumuhod sa harap ng Diyos at humingi ng Kanyang biyaya. Ipanalangin natin ang patuloy at makapangyarihang gawain ng Banal na Espiritu na baguhin ang ating puso\, isipan\, at kalooban sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo. \nSa araw-araw\, mamuhay tayo nang may pagpapakumbaba at pananalig—kinikilala na ang anumang tunay na pagbabago sa atin ay gawa ng Diyos\, hindi ng ating sarili. Oo\, tayo ay makasalanan buhat nang tayo ay isilang\, ngunit tayo ay ipinanganak na muli sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kaya sa gitna ng ating kahinaan at pakikipaglaban sa kasalanan\, may katiyakan tayo na ang Banal na Espiritu na nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay Siya ring magpapatuloy nito hanggang sa wakas.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/makasalanan-buhat-nang-isilang/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260121
DTEND;VALUE=DATE:20260122
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T072701Z
LAST-MODIFIED:20260124T072715Z
UID:2096-1768953600-1769039999@lcc.org.ph
SUMMARY:Nilikha Upang Sumamba
DESCRIPTION:Roma 1:25 (ASD)\nSapagka’t kanilang pinalitan ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos\, at sinamba at pinaglingkuran ang nilikha kay sa Lumalang\, na Siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa! \n\n\nNilalang ang tao upang sambahin ang Diyos\, at ang kaluwalhatian Niya ang sukdulang layunin ng lahat ng bagay na nilalang. Ang buong buhay ng tao ay idinisenyo upang tumugon sa Panginoon sa pagsamba at lubos na pagsunod. Subalit dahil sa kasalanan\, ang pusong nilikhang para sa tunay na pagsamba ay nalason at naligaw. Isa sa pinakamalubhang uri ng kasalanan ay ang pagsamba sa diyos-diyosan. Hindi tumigil ang tao sa pagsamba; sa halip\, ipinagpalit niya ang Diyos at piniling sambahin ang iba. Sa halip na ang Manlilikha ang ating sambahin\, sa mga bagay na nilikha at maging sa ating sarili mismo itinuon ang ating pagsamba. Ang lugar na para lamang sa Diyos ay inangkin ng tao. \nAyon sa Roma 1:21–25\, bagama’t ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili\, hindi natin Siya niluwalhati ni pinasalamatan. Sa halip\, naging walang kabuluhan ang ating pag-iisip at dumilim ang ating puso. Ipinagpalit natin ang kaluwalhatian ng Diyos sa mga huwad na diyos at sa mga nilikhang bagay lamang. Ipinakikita ni Apostol Pablo na ang kasalanan ay nagbunga ng maling pagsamba—isang tahasang pagsalungat sa layunin ng tao bilang nilalang ng Diyos. \nAng pagkasira na idinulot ng kasalanan ay lumason sa bawat bahagi ng ating pagkatao—isip\, damdamin\, pagnanais\, at pagpapasiya. Dahil dito\, likas sa tao ang sumamba sa mga diyos-diyosan at wala siyang kakayahang bumalik sa tunay na Diyos sa sarili niyang lakas. \nAng katotohanang ito ay tumatawag sa atin na suriin hindi lamang ang ating mga kilos\, kundi kung sino o ano ang ating sinasamba. Ano ang tunay na naghahari sa ating puso? Saan natin ibinabatay ang ating pagkakakilanlan\, seguridad\, at pag-asa? Ang mga ito ay madalas nagiging huwad na diyos na pumapalit sa tunay na Diyos. \nSa pagkilala sa ating ganap na pagkasira at miserableng kalagayan\, ang tamang tugon ay hindi pangangatwiran sa sarili kundi pagpapakumbaba at tapat na pagsisisi. Kapag nakita natin ang lalim ng ating kasalanan\, mas lalong luminaw ang kagandahan ng biyaya ng Diyos kay Cristo. Siya lamang ang nagligtas at nagpapanumbalik sa atin mula sa maling pagsamba tungo sa tamang ugnayan at tunay na pagsamba sa Diyos. \nPurihin ang Diyos sa Kanyang pagpapanumbalik sa atin sa tamang landas. Nawa’y mabuhay tayo upang Siya ay sambahin at maranasan ang tunay na kagalakan na nagmumula sa Kanya. Ang ating buong pagkatao\, at ang lahat ng mayroon tayo\, nawa’y magbigay ng kapurihan at pagsamba sa nag-iisang Diyos na lumikha\, nagligtas\, at nangangalaga sa atin. \n“At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan Niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos; at tayo’y nasa tunay na Diyos\, sa Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. Mga anak\, magsilayo kayo sa mga diyus-diyosan.”\n1 Juan 5:20–21
URL:https://lcc.org.ph/devotion/nilikha-upang-sumamba/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260120
DTEND;VALUE=DATE:20260121
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T072604Z
LAST-MODIFIED:20260124T072604Z
UID:2094-1768867200-1768953599@lcc.org.ph
SUMMARY:Tanging Pag-asa sa Ikalawang Daan
DESCRIPTION:Roma 5:19 (ASD)\nSapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ay naging mga makasalanan ang marami\, gayon din naman sa pamamagitan ng pagsunod ng isa ay gagawing mga matuwid ang marami. \n\n\nNilalang ng Diyos ang tao na mabuti at ayon sa Kanyang sariling larawan at wangis. Ayon sa Genesis 1:26–27\, ang tao ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugang siya ay nilikhang may wastong kaalaman\, katuwiran\, at kabanalan\, at may kakayahang makipag-ugnayan sa Diyos at sa kanyang kapwa. Ang tao ay nilikha upang kilalanin ang Panginoon\, mahalin Siya nang buong puso\, at luwalhatiin Siya sa ganap na pagsunod sa Kanyang Salita. Sa ganitong kalagayan\, tinamasa ng tao ang tunay na buhay at masaganang pakikipag-ugnayan sa Diyos. \nSubalit ang kalagayang ito ng kabanalan at pakikipag-ugnayan ay hindi nanatili. Sa Genesis 3\, malinaw nating nakita na ang pagsuway nina Adan at Eva ay hindi isang maliit na pagkakamali kundi isang hayagang paghihimagsik laban sa malinaw at mabuting utos ng Diyos. Sa halip na magtiwala at sumunod sa Salita ng Panginoon\, pinili nilang pakinggan ang tinig ng kaaway. Sa sandaling iyon ay nasira ang kanilang matuwid na ugnayan sa Diyos\, pumasok ang kasalanan\, at ito ay nagsimulang sumira hindi lamang sa tao kundi sa buong nilikha. \nIto ang ipinapaliwanag ni Apostol Pablo sa Roma 5:19. Ang kasalanan ni Adan ay hindi nanatili sa kanya lamang\, kundi ipinasa sa buong sangkatauhan. Dahil sa kanyang pagsuway\, ang marami ay naging makasalanan. Ayon sa Heidelberg Catechism Q&A 6–8\, ang pagkahulog natin sa kasalanan ay nagbunga ng ganap na pagkasira ng kalikasan ng tao. Ang ating isipan ay nadungisan\, ang ating kalooban ay napahilig sa kasamaan\, at ang ating puso ay likas na sumasalungat sa Diyos. Dahil dito\, ang tao ay walang kakayahang bumalik sa dati niyang estado o gumawa ng tunay na mabuti sa sariling lakas. \nAng katotohanang ito ay nagtuturo sa atin na magkaroon tayo ng tamang pagtingin sa kasalanan at sa kung ano ang idinulot nito. Wala tayong dahilan na ipagmalaki ang sariling kabutihan o umasa sa ating kakayahan. Sa halip\, ang wastong pagkaunawa sa pagkahulog natin sa kasalanan ay humantong nawa sa pagpapakumbaba\, pagsisisi\, at ganap na pagtitiwala sa biyaya ng Diyos. \nGaya ng ating napag-aralan na\, kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan at kamatayan\, sa pamamagitan din ng isang Tao—ang Panginoong Jesu-Cristo—dumating ang katuwiran at buhay. Siya ang Ikalawang Adan na ganap na sumunod kung saan nabigo ang una. Sa Kanyang pagsunod\, kamatayan\, at muling pagkabuhay\, ang mga nananalig sa Kanya ay itinuturing na matuwid at binibigyan ng buhay na walang hanggan. \nMalubha man ang naging pagkahulog natin dahil sa kasalanan\, sapagkat tayo ay kabilang sa unang Adan\, mas higit naman ang pagtaguyod sa atin ng Diyos\, sapagkat tayo ay kabilang na kay Cristo. Siya ang hindi lamang kumatawan at namagitan sa atin sa harap ng Diyos Ama\, kundi Siya rin ang ating tanging kaaliwan sa bawat araw\, nangangalaga at magpapanatili sa atin hanggang wakas.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/tanging-pag-asa-sa-ikalawang-daan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260119
DTEND;VALUE=DATE:20260120
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T072431Z
LAST-MODIFIED:20260124T072453Z
UID:2091-1768780800-1768867199@lcc.org.ph
SUMMARY:Nilikha Ayos sa Imahe ng Diyos
DESCRIPTION:Genesis 1:26a (ASD)\nAt sinabi ng Diyos\, Likhain natin ang tao ayon sa ating larawan\, ayon sa ating wangis. \n\n\nSa mga simulang pahina pa lamang ng Banal na Kasulatan at sa pagsisimula ng kasaysayan ng sangkatauhan\, malinaw na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang dakilang kapangyarihan at mabuting layunin sa paglikha ng lahat ng bagay. Kabilang tayong mga tao\, na siyang tugatog ng Kanyang paglikha. Ipinakikita sa atin na ang mundo at ang tao ay hindi produkto ng pagkakataon o ebolusyon\, kundi resulta ng makapangyarihan at mabuting pagkilos ng Diyos. \nAyon sa Genesis 1:26–27\, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang imahe at wangis. Ibig sabihin\, ang tao ay nilikha na may wastong kaunawaan at kaalaman\, kakayahang makipag-ugnayan sa Panginoon at sa kanyang kapwa\, at taglay ang katuwiran at kabanalan upang sumunod at sumamba sa Kanya. Ito ang malinaw na itinuturo ng Heidelberg Catechism Q&A 6\, na nagsasabing nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at ayon sa Kanyang larawan upang Siya’y makilala\, mahalin\, at purihin. \nGayunman\, nililinaw din ng Heidelberg Catechism Q&A 7–8 na ang kasalukuyang kalagayan ng tao ay hindi nagmula sa paglikha ng Diyos\, kundi sa pagsuway ng unang tao. Hindi ang Diyos ang pinagmulan ng kasalanan at kasamaan ng mundo at ng tao; nilalang Niya ang lahat at Kanyang sinabi na ito’y mabuti. Ang kasamaan ay pumasok lamang sa sangkatauhan dahil sa pagsuway ni Adan\, at hindi dahil sa kakulangan o pagkakamali ng Diyos. Subalit sa kabila ng pagkalugmok ng tao at ng mundo sa kasalanan\, nagtakda ang Diyos ng plano ng kaligtasan upang tayo’y muling mapanumbalik sa Kanyang piling\, ayon sa orihinal na disenyo at mabuting layunin. \nSa kabila ng katotohanang ang mundong nilikha ng Diyos sa pamamagitan lamang ng Kanyang Salita ay nasira at nalugmok sa kasalanan\, at gayundin ang imahe ng Diyos sa atin ay lubhang napinsala\, sa pamamagitan pa rin ng Salita na nagkatawang-tao—na Siya ring ganap na imahe ng di-nakikitang Diyos\, walang iba kundi si Cristo—ipinapanumbalik at pinapaging-bago ng Diyos hindi lamang ang Kanyang mga hinirang\, kundi ang buong nilikha\, patungo sa kaganapan ng Kanyang kalooban at para sa kapurihan ng Kanyang pangalan. \nAno ang nararapat nating tugon sa mga katotohanang ito? Una\, alalahanin natin na ang ating halaga at dangal ay nagmumula sa Diyos na lumikha sa atin ayon sa Kanyang larawan. Mamuhay tayo nang may pasasalamat at pananagutan\, iginagalang ang ating sarili at ang ating kapwa bilang mga nilalang ng Diyos. Ikalawa\, kilalanin natin kung gaano tayo lumihis mula sa Kanyang orihinal na disenyo. Ang imahe ng Diyos sa atin ay lubhang sinira ng kasalanan\, kaya tayo at ang mundo ay tunay na nalugmok sa miserableng kalagayan. Ikatlo\, manumbalik tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo\, maging bahagi ng Kanyang bagong paglikha\, at mamuhay na ngayon bilang mga bagong nilalang. \nTandaan na dahil sa ginawa ni Cristo\, at ayon sa patuloy na pagkilos ng Banal na Espiritu\, ipinapanumbalik na ang napinsalang imahe ng Diyos sa atin. Ibig sabihin\, tayo ay lumalago na sa pagkakilala at pakikipag-ugnayan sa Panginoon\, lumalakad sa katuwiran at kabanalan\, at hinuhubog patungo sa pagiging kawangis ng ating Panginoong Jesus sa bawat aspeto ng ating pagkatao at sa bawat bahagi ng ating buhay. \n“At kayo’y mangagbago sa espiritu ng inyong pag-iisip\, at kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao\, na nilikha ayon sa Diyos sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.”\nEfeso 4:23–24
URL:https://lcc.org.ph/devotion/nilikha-ayos-sa-imahe-ng-diyos/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260117
DTEND;VALUE=DATE:20260118
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260124T073117Z
LAST-MODIFIED:20260124T073252Z
UID:2102-1768608000-1768694399@lcc.org.ph
SUMMARY:Pangalawang Araw ng Panginoon
DESCRIPTION:﻿
URL:https://lcc.org.ph/devotion/pangalawang-araw-ng-panginoon/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260116
DTEND;VALUE=DATE:20260117
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T123730Z
LAST-MODIFIED:20260110T123730Z
UID:2070-1768521600-1768607999@lcc.org.ph
SUMMARY:Pangangailangan ng Bagong Puso
DESCRIPTION:Jeremias 17:9–10 (ASD)\nAng puso ay mandaraya ng higit sa lahat ng mga bagay\, at lubhang masama; sinong makaaalam? Akong Panginoon ay sumusubok ng puso\, aking sinusuri ang mga bato\, upang magbigay sa bawat isa ayon sa kaniyang mga lakad\, ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa. \n\n\nHindi madaling harapin ang katotohanan tungkol sa ating sarili. Likas sa tao ang ipagtanggol ang sariling puso—na tayo’y may mabuting hangarin\, na ginagawa naman natin ang ating makakaya\, at kung ikukumpara sa iba\, hindi naman tayo gaanong masama. Dagdag pa ang mundong nagtuturo sa atin na sundin ang ating puso\, na tayo ay magtiwala sa sariling pakiramdam at intensiyon. Subalit kung ang Salita ng Diyos ang ating magiging pamantayan\, ang mga nasabing kaisipan ay mali at mapanganib. \nSa Jeremias 17:9–10\, malinaw at walang paliguy-ligoy ang hatol ng Diyos: “Ang puso ay mandaraya higit sa lahat ng bagay\, at lubhang masama.” Ang puso\, na siyang sentro ng ating pag-iisip\, pagnanasa\, at pagpapasya\, ay hindi likas na mabuti kundi lubos na nilason at sinira ng kasalanan. Ipinakikita ng Banal na Kasulatan na ang ugat ng ating problema ay hindi panlabas kundi panloob. \nDahil dito\, ang madalas na pangangatwiran na “alam naman ng Diyos ang laman ng puso ko” ay hindi dapat magbigay ng aliw kundi takot. Sapagkat kung tunay na kilala ng Diyos ang ating puso\, at kung ang pusong iyon ay likas na mandaraya at masama\, paano tayo tatayo sa harap ng Kanyang kabanalan? Ang pagsunod sa sariling puso ay hindi patungo sa buhay kundi patungo sa kapahamakan. Anumang kabutihan na ating ipakita ay may bahid ng kasalanan\, at kahit ang ating pinakamabubuting gawa ay gaya lamang ng maruming basahan sa harap ng isang banal at matuwid na Diyos. \nDito malinaw na ipinakikita ng Kautusan na ang ating suliranin ay hindi kakulangan ng kaalaman\, disiplina\, o relihiyon. Ang kailangan natin ay isang bagong puso. Hindi sapat ang mga panlabas na pagbabago; ang kinakailangan ay panloob na pagbabagong tanging ang Diyos lamang ang makagagawa. Ang Kautusan ay naglalantad ng ating makasalanang puso\, ngunit ang Mabuting Balita ang nagbibigay ng bagong puso. \nSa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo—na Siyang tumupad ng Kautusan para sa atin at nagbayad ng ating mga kasalanan—ang Diyos ay nagbibigay ng bagong puso. At sa patuloy na pagkilos ng Banal na Espiritu sa atin\, ang pusong ito ay umibig na sa Diyos at sa ating kapwa. Ito ay pusong namumuhi na sa kasalanan at sumasaya sa kabanalan—pusong tumitibok na para sa kapurihan ng Panginoon.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/pangangailangan-ng-bagong-puso/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260115
DTEND;VALUE=DATE:20260116
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T123135Z
LAST-MODIFIED:20260110T123135Z
UID:2064-1768435200-1768521599@lcc.org.ph
SUMMARY:Walang Matuwid\, Kahit Isa
DESCRIPTION:Roma 3:9–10 (ASD)\nAno nga? Tayo ba’y lalong mabuti kaysa sa kanila? Hindi\, sa anomang paraan; sapagkat ipinaratang na natin na ang mga Hudyo at mga Griego ay kapuwa nasa ilalim ng kasalanan; gaya ng nasusulat\, Walang matuwid\, wala kahit isa. \n\n\nMay mga pagkakataon sa ating buhay na iniisip natin na kung magsisikap lamang tayo nang husto\, kung magiging mas disiplinado\, mas relihiyoso\, o mas masunurin\, ay maaari nating abutin ang pamantayan ng Diyos. Madalas nating inaaliw ang ating sarili sa pag-iisip na “hindi naman ako kasing sama ng iba\,” o “ginagawa ko naman ang aking makakaya.” Ngunit kapag tapat nating sinuri ang ating puso sa liwanag ng Salita ng Diyos\, lilitaw ang mas malalim na tanong: Talaga bang kaya nating sundin ang Diyos ayon sa Kanyang hinihingi? Ano ang tunay na kalagayan ng tao sa harap ng Kanyang banal na Kautusan? \nMalinaw at walang paliguy-ligoy ang pahayag ng apostol Pablo sa Roma 3:9–10: “Walang matuwid\, kahit isa.” Hindi lamang ito tumutukoy sa ilang tao o sa mga hayagang masasama. Ang hatol na ito ay sumasaklaw sa lahat—Hudyo man o Hentil\, relihiyoso man o hindi. Walang sinuman ang umaabot sa banal at ganap na pamantayan ng Diyos. \nIto ang mariing itinuturo ng Heidelberg Catechism Q&A 5: likas tayong walang kakayahan na tuparin ang Kautusan ng Diyos. Ang kasalanan ay hindi lamang panlabas na problema; ito ay isang malalim na korapsyon sa ating kaibuturan na nakaapekto sa ating buong pagkatao—sa ating isipan\, damdamin\, at disposisyon. Sa halip na ibigin natin ang Diyos ng buong puso\, buong isip\, buong lakas\, at buong kaluluwa\, at ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili\, ang likas na bunga ng ating makasalanang kalagayan ay ang pagkiling sa sarili\, ang pagkapoot sa kabanalan\, at ang pagkasira ng ating ugnayan—sa Diyos at sa kapwa. \nKaya’t ang Kautusan\, gaya ng ating napag-aralan na\, sa halip na maging hagdan patungo sa katuwiran\, ay nagiging salamin na nagpapakita kung gaano kalalim ang ating pagkakasala. \nAng katotohanang ito ay humahamon sa atin na talikuran ang maling pagtitiwala sa sariling kakayahan at kabutihan. Hindi tayo iniligtas dahil kulang lamang tayo ng kaunting pagsisikap; tayo ay nangangailangan ng ganap na Tagapagligtas. Ang Kautusan ay hindi ibinigay upang tayo’y umasa sa sarili\, kundi upang tayo’y itulak patungo kay Cristo. \nKaya’t sa halip na ipagtanggol ang ating sarili sa harap ng Diyos\, tayo’y tinatawag na lumuhod sa pagpapakumbaba at tumingin kay Jesu-Cristo—ang nag-iisang Matuwid na ganap na tumupad sa Kautusan para sa atin. Sa Kanya lamang matatagpuan ang katuwirang hindi natin kayang likhain\, at ang pagsunod na hindi natin kayang gawin. \nNgunit kung ikaw ay kabilang na kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya\, ikaw ay binihisan na ng Kanyang katuwiran—hindi lamang sa harap ng Diyos Ama\, kundi maging sa harap ng mundo—sapagkat ang katuwirang napasa atin ay unti-unting mahahayag sa ating buhay sa tulong ng Banal na Espiritu\, at para lamang sa kapurihan ng ating Panginoon. \nOo\, wala sa atin ang matuwid kahit isa. Kaya mula sa langit ay isinugo ang nag-iisang Tagapagligtas na magkakaloob ng katuwirang kailangan natin. Purihin ang Diyos!
URL:https://lcc.org.ph/devotion/walang-matuwid-kahit-isa/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260114
DTEND;VALUE=DATE:20260115
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T122841Z
LAST-MODIFIED:20260110T122851Z
UID:2062-1768348800-1768435199@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Pinagmulan ng Aking Miserableng Kalagayan
DESCRIPTION:Roma 5:12 (ASD)\nKaya nga\, kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan\, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan; at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng mga tao\, sapagkat ang lahat ay nangagkasala. \n\n\nKapag tumingin tayo sa ating paligid\, agad nating makikita ang kasamaan sa mundo—ang karahasan\, kasakiman\, kasinungalingan\, at marami pang iba. Madalas nating itanong kung saan ba nagmumula ang lahat ng ito. Gayundin\, kapag tumingin naman tayo sa ating sarili at tayo’y magiging tapat\, nakikita rin natin ang parehong mga problema ng kasalanan maging sa ating puso o kalooban. Itinuturo ng Biblia na ang kasamaan sa ating kalooban at kapaligiran ay mayroong malalim na pinagmulan—ito ay ang ating likas na kalagayan bilang mga anak ni Adan. \nAyon sa Roma 5:12\, “sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan\, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan.” Ipinapakita ng talatang ito na ang kasalanan ay hindi nagsimula sa marami\, kundi sa isa—kay Adan\, ang kinatawan ng buong sangkatauhan. Dahil dito\, ang kamatayan ay umabot sa lahat sapagkat sa pagkahulog ni Adan sa kasalanan\, tayong lahat ay nagkasala. \nIto rin ang tinutukoy ng Heidelberg Catechism Q&A 5\, na ang ating disposisyon ay patungo sa pagsuway. Ang ating katiwalian ay hindi lamang natutunan o bunga ng masamang halimbawa; ito ay ating minana. Kaya’t ang kasalanan ay naging bahagi ng ating kalikasan at humubog sa ating pag-iisip\, pagnanasa\, at pagpapasiya. \nAng katotohanang ito ay nagtuturo sa atin na magpakumbaba. Hindi tayo maaaring magtiwala sa ating sarili o umasa sa sariling kabutihan\, sapagkat ang ugat ng problema ay nasa ating puso\, na ating minana mula sa ating ninunong si Adan na siyang kumatawan sa atin sa harap ng Diyos. \nGayunman\, ang parehong katotohanang ito ay umaakay din sa atin sa isang dakilang pag-asa. Sapagkat kung sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan at kamatayan\, sa pamamagitan din ng isang Tao—ang ikalawang Adan—na kumakatawan sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya\, walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan Niya napasa atin ang buhay at katuwiran. Dakilang parusa ang idinulot ng unang Adan\, ngunit mas higit na dakila ang pagpapalang kaloob ni Cristo sa atin. Kaya naman\, tiyakin nating tayo ay hindi na nananatili sa ilalim ng sumpa ng unang Adan\, sa halip ay matagpuan tayong nakipag-isa kay Cristo at taglay ang lahat ng pagpapala sa pamamagitan Niya.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/ang-pinagmulan-ng-aking-miserableng-kalagayan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260113
DTEND;VALUE=DATE:20260114
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T122726Z
LAST-MODIFIED:20260110T122739Z
UID:2060-1768262400-1768348799@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Lalim ng Aking Kasalanan
DESCRIPTION:Efeso 2:1–3 (ASD)\nAt kayo’y kaniyang binuhay\, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan\, na inyong nilakaran nang una ayon sa takbo ng sanglibutang ito\, ayon sa prinsipe ng kapangyarihan ng hangin\, ng espiritung ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; na sa kanila’y nakisama rin tayong lahat nang una sa mga pita ng ating laman\, na ginagawa ang mga nais ng laman at ng pag-iisip\, at tayo’y mga anak ng galit sa likas\, na gaya rin ng iba. \n\n\nAno nga ba ang tunay na kahulugan kapag sinasabi nating tayo ay mga makasalanan? Madalas iniisip ng tao na ang kasalanan ay simpleng paggawa lamang ng mali\, paminsan-minsang pagkukulang\, o mga hindi maiiwasang gawi dahil tayo ay tao lamang. Minsan\, iniisip pa natin na maaari namang mapagtakpan ng ating mabubuting gawa ang ating mga kasalanan\, na kung mas marami tayong gagawing mabuti ay kalulugdan na tayo ng Diyos. Sa madaling salita\, napakagaan ng pagtingin ng ilan sa kalikasan at resulta ng kasalanan sa ating pagkatao. \nAng Salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng mas malalim at mas seryosong larawan ng ating tunay na kalagayan bilang mga makasalanan. Ayon sa Efeso 2:1–3\, tayo ay “patay dahil sa mga pagsuway at kasalanan.” Ang kamatayang ito ay hindi pisikal kundi espirituwal—isang kalagayan ng ganap na pagkahiwalay sa mapagpalang presensya ng Diyos. Ipinapakita ng mga talatang ito na ang kasalanan ay hindi lamang panlabas na gawain\, kundi isang kapangyarihang humuhubog sa ating pamumuhay\, pag-iisip\, at mga pagnanasa. Sa ating likas na kalagayan\, tayo ay alipin o sunod-sunuran sa impluwensya ni Satanas\, sa takbo ng sanlibutan\, at sa makasalanang pita ng ating laman. \nIto ang patuloy na itinuturo ng Heidelberg Catechism\, na nagsasabing ang hinihingi ng Kautusan ng Diyos ay ganap at buong pag-ibig sa Diyos at sa kapwa—isang pamantayang lubos nating nabibigong tuparin. Dahil dito\, malinaw na ang kasalanan ay umabot sa ating puso\, isip\, at kalooban. Hindi lamang tayo basta mga taong nakagagawa ng kasalanan\, kundi ang kaibuturan at kabuuan ng ating pagkatao ay likas na rebelde sa kalooban ng Diyos. Dahil dito\, karapat-dapat lamang tayong hatulan at patawan ng parusa sapagkat ang Diyos ay banal at matuwid. \nNawa ay lumago pa ang ating kaunawaan sa lalim at bigat ng ating kasalanan at kung gaano kalubha ang naging epekto nito sa atin\, upang mas maunawaan din natin ang kadakilaan ng pag-ibig at biyaya ng Diyos na ipinaranas sa atin sa pamamagitan lamang ni Cristo. Tandaan na ang tamang kaunawaan sa kalikasan at kapangyarihan ng kasalanan ang magtutulak sa atin na umasa lamang sa mas dakilang biyaya ng Diyos. Oo\, dakila ang ating pagkakasala at tunay na naging miserable ang ating kalagayan dahil dito; ngunit tandaan\, mas higit na dakila ang pag-ibig\, habag\, at biyaya ng Diyos para sa lahat ng sumasampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. Malalim\, malawak\, at malubha ang pinsalang idinulot ng kasalanan sa atin\, ngunit higit naman rito ang di-masukat na pag-ibig ni Cristo para sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/ang-lalim-ng-aking-kasalanan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260112
DTEND;VALUE=DATE:20260113
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T122520Z
LAST-MODIFIED:20260110T122520Z
UID:2058-1768176000-1768262399@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Kautusan bilang Salamin
DESCRIPTION:Roma 3:20 (ASD)\n      Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman ang aaring ganap sa harapan niya; sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay nagkakaroon ng pagkakilala sa kasalanan.\n     \n \n\n\n      Maraming tao ang may maling pagkaunawa sa layunin ng Kautusan ng Diyos. Iniisip ng ilan na ang Sampung Utos ay isang hagdan patungo sa kaligtasan—na sa pamamagitan ng masipag na pagsunod\, moral na pamumuhay\, at mabubuting gawa ay maaaring makamit ang buhay na walang hanggan. Ang ganitong pag-iisip ay karaniwan\, ngunit ito’y salungat sa malinaw na turo ng Banal na Kasulatan.\n     \n\n      Makikita natin sa kabuuan ng Salita ng Diyos na may tatlong gamit ang Kautusan sa atin: una\, ito ay salamin na naghahayag sa atin ng ating pagiging makasalanan; ikalawa\, ito ay pampigil sa kasamaan at pampanatili sa kaayusan ng lipunan; at ikatlo\, ito ang nagsisilbing pamantayan o gabay sa isang Cristiano kung paano mamuhay nang nakalulugod sa Diyos.\n     \n\n      Ayon sa Roma 3:20\, “sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay nagkakaroon ng pagkakilala sa kasalanan.” Ito ang unang gamit ng Kautusan: ang magsilbing salamin. Tulad ng salaming nagpapakita ng dumi sa ating mukha\, inilalantad ng Kautusan ng Diyos ang ating kasalanan\, pagkukulang\, at pagsuway—sa isip\, salita\, at gawa.\n     \n\n      Ito ang tinutukoy ng Heidelberg Catechism Q&A 3: nalalaman natin ang ating miserableng at kahabag-habag na kalagayan sa pamamagitan ng Kautusan ng Diyos. Sa liwanag ng Kautusan\, ipinakikita ng Banal na Espiritu na tayo’y hindi umaabot sa banal na pamantayan ng Diyos. Kung ang pagsunod sa Kautusan ang magiging batayan ng kaligtasan\, walang sinuman ang maliligtas\, sapagkat lahat ay nagkasala.\n     \n\n      Ang Kautusan\, kung gayon\, ay hindi hagdan kundi salamin—hindi panlunas kundi panukat—na nagpapakita ng ating pangangailangan sa isang Tagapagligtas.\n     \n\n      Ang pagbibigay ng Kautusan ay isang mabiyayang pagkilos ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan nito\, inaalis Niya ang ating pagmamataas at maling pagtitiwala sa ating sarili. Purihin natin ang Diyos sapagkat hindi Niya tayo iniwan sa ating kasalanan. Hindi lamang Niya ibinigay ang Kautusan upang ilantad ang ating kalagayan\, kundi ibinigay din Niya ang Mabuting Balita—si Jesu-Cristo—na Siyang nag-iisang Tagapagligtas.\n     \n\n      Matapos nating tumingin sa Kautusan at makita ang ating miserableng kalagayan\, ituon naman natin ang ating paningin\, pananampalataya\, at pag-asa kay Cristo upang masumpungan natin ang ganap na kapatawaran at kaligtasan.\n     \n\n\n        “Ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.”\n        Juan 1:17
URL:https://lcc.org.ph/devotion/ang-kautusan-bilang-salamin/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260110
DTEND;VALUE=DATE:20260111
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260110T124448Z
LAST-MODIFIED:20260110T131422Z
UID:2074-1768003200-1768089599@lcc.org.ph
SUMMARY:Unang Araw ng Panginoon
DESCRIPTION:﻿
URL:https://lcc.org.ph/devotion/unang-araw-ng-panginoon/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260109
DTEND;VALUE=DATE:20260110
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20251231T091233Z
LAST-MODIFIED:20260110T123050Z
UID:2014-1767916800-1768003199@lcc.org.ph
SUMMARY:Kasalanan\, Kaligtasan\, Kabanalan
DESCRIPTION:Galacia 2:20 (ASD)\nAko’y ipinako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay\, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin; at ang buhay na ngayo’y ikinabubuhay ko sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya sa Anak ng Diyos\, na sa akin ay umibig at ibinigay ang Kaniyang sarili dahil sa akin. \n\n\nHindi natin mararanasan ang tunay na kaaliwan hangga’t hindi natin lubos na nauunawaan ang buong katotohanan tungkol sa ating sarili. Itinuturo ng Salita ng Diyos na ang kaaliwan ay nagsisimula sa tamang pagkaunawa sa ating kalagayan sa harap ng Diyos: tayo’y likas na makasalanan—hiwalay sa Kanya\, alipin ng kasalanan\, at ganap na walang kakayahang iligtas ang ating sarili. \nSubalit hindi rito nagtatapos ang lahat. Sa gitna ng ating kawalang-pag-asa\, ang Diyos ay kumilos ayon sa Kanyang biyaya sa pamamagitan ni Cristo. Mula sa ating miserableng kalagayan ay naroon ang mabuting balita ng dakila at mabiyayang pagliligtas ng Panginoon sa atin—at ang kaligtasang ito ay nagreresulta ng isang buhay na nakalulugod sa Diyos bilang nararapat na tugon. \nSinasabi ni Apostol Pablo\, “Ako’y ipinako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay\, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin.” Sa pahayag na ito\, malinaw na ipinapakita ni Pablo ang buod ng buhay Cristiano—isang buhay na mula sa kasalanan ay tumanggap ng kaligtasan\, at ngayon ay namumuhay na bilang tugon ng pasasalamat. \nIto rin ang malinaw na itinuturo ng Heidelberg Catechism sa ikalawang tanong ng unang Lord’s Day. Upang mamuhay sa ganitong kaaliwan\, kinakailangang maunawaan ang tatlong mahahalagang bagay: una\, ang lalim ng ating kasalanan at ang miserableng kalagayang dulot nito; ikalawa\, ang kahanga-hangang paraan ng Diyos sa pagliligtas sa atin mula sa kasalanan; at ikatlo\, ang bagong buhay na nagpapasalamat bilang tugon na inaasahan sa atin. \nKaya’t ang tanong sa atin ay hindi lamang\, “Paano ako naligtas?” kundi\, “Ano ang nararapat kong maging tugon sa kaligtasang ito?” Sa sandaling tayo’y makipag-isa kay Cristo sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay\, nagbago ang direksyon ng ating buhay. Hindi na tayo namumuhay ayon sa sariling kagustuhan ng laman\, kundi ayon sa kalooban ng Diyos. \nAng umaapaw na pasasalamat ang nagtutulak sa atin na talikuran ang kasalanan; ang pagsunod ang nagiging tugon ng pusong binago ng biyaya ng Panginoon; at ang kabanalan ang patuloy na magiging bunga ng buhay na naligtas at nakipag-isa kay Cristo. \nAlalahanin natin palagi ang ating miserableng kalagayan noon\, patuloy na mamangha sa dakilang kaligtasan na ating tinanggap\, at araw-araw na tumugon sa pasasalamat\, pagsunod\, at pagsamba sa ating Panginoon.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/kasalanan-kaligtasan-kabanalan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260108
DTEND;VALUE=DATE:20260109
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20251231T091131Z
LAST-MODIFIED:20251231T103434Z
UID:2012-1767830400-1767916799@lcc.org.ph
SUMMARY:Katiyakan sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu
DESCRIPTION:Efeso 1:13–14 (ASD)\nSa Kaniya rin naman kayo\, nang inyong marinig ang salita ng katotohanan\, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan—sa Kaniya rin kayo\, nang kayo’y magsisampalataya\, ay tinatakan ng ipinangakong Banal na Espiritu\, na siyang katibayan ng ating mana\, sa ikatutubos ng pag-aari ng Diyos\, sa ikapupuri ng Kaniyang kaluwalhatian. \n\n\nBilang mananampalataya\, marahil dumating na sa puntong naitanong mo rin ito: “Tunay nga ba akong ligtas?” Kung tayo ba’y talagang kabilang na sa Diyos at kung magpapatuloy ba tayo hanggang wakas. Sa mga panahon ng kahinaan\, pagkakasala\, at mga pagsubok\, madalas tayong magduda o mag-alinlangan. Hindi ito kalooban ng Diyos na tayo ay malugmok sa pangamba at alinlangan. Sa Kanyang kagandahang-loob\, binigyan Niya tayo ng isang ganap at maaasahang katiyakan—ang pananahan at pagkilos ng Banal na Espiritu sa atin na mga anak ng Diyos. \nAyon sa Efeso 1:13–14\, ang mga sumasampalataya kay Cristo ay “tinatakan ng ipinangakong Banal na Espiritu\,” na siyang “katibayan” o paunang kaloob ng ating mana. Paalala ito na huwag nating iangkla ang katiyakan ng ating kaligtasan sa ating mga sarili\, sapagkat ibinigay na rin ito sa atin ng Diyos mismo. Ang Espiritu na sumasaatin ang patunay na tayo’y tunay na kabilang sa Kanya at tanda na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako hanggang wakas. \nIto ang ipinagpapatuloy ng Heidelberg Catechism Q&A 1: sapagkat tayo’y kay Cristo\, tayo’y hindi lamang tinubos\, kundi tayo rin ay pinagkalooban at kinikilusan ng Kanyang Espiritu. \nAng Banal na Espiritu ang nagbibigay sa atin ng katiyakan sa kaligtasan\, nagpapalakas ng ating pananampalataya\, at lumilikha sa atin ng pusong handang mamuhay para sa Diyos. Hindi lamang Niya tayo inaaliw; binabago at hinuhubog Niya rin tayo upang mamuhay sa pasasalamat at paglilingkod. \nDahil dito\, hindi na natin kailangang mamuhay ng may takot at pagdududa. Sa halip\, tayo ay dapat lumakad na may kapanatagan\, na laging inaalala na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin bilang selyo at garantiya ng Diyos. Sa tuwing tayo’y pinanghihinaan\, Siya ang nagpapalakas; sa tuwing tayo’y naliligaw\, Siya ang gumagabay; at sa tuwing tayo’y tinatawag na maglingkod\, Siya ang nagbibigay sa atin ng kakayahan at kalakasan. \nSa gitna ng kahinaan ng ating laman at patuloy na pandaraya ng kaaway\, huwag tayong magduda. Panghawakan natin ang pangako ng Diyos at patuloy na magpasailalim sa pagkilos at patnubay ng Banal na Espiritu\, na ating katiyakan at kalakasan bilang mga anak ng Diyos at mga tagasunod ng ating Panginoong Jesus.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/katiyakan-sa-pamamagitan-ng-banal-na-espiritu/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260107
DTEND;VALUE=DATE:20260108
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20251231T091024Z
LAST-MODIFIED:20251231T103451Z
UID:2010-1767744000-1767830399@lcc.org.ph
SUMMARY:Panatag sa Ilalim ng Pangangalaga ng Ama
DESCRIPTION:Roma 8:28 (ASD)\nNalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos\, ng mga tinawag ayon sa Kanyang layunin. \n\n\nHabang tayo’y nagpapatuloy sa ating paglalakbay bilang mga mananampalataya\, hindi mawawala ang mga pagsubok at pangamba. May mga araw na tila maayos ang lahat\, at may mga panahon din namang biglang nababago ang ating mga plano dahil sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Sa lahat ng ating pinagdaraanan\, ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos ang isang matibay at mapagkakatiwalaang katotohanan—na ang ating buhay ay hindi nakabase sa tadhana o chansa lamang. Sa halip\, ang bawat detalye ng ating buhay ay sakop ng probidensya ng ating Diyos. Tayo ay inaalagaan at pinamamahalaan ng Kanyang makapangyarihan at mapagmahal na mga kamay. \nAyon sa Roma 8:28\, “Nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos.” Ang talatang ito ay hindi pangako para sa buhay na walang sakit o problema\, kundi katiyakan na sa kabila ng lahat ng pangyayari—mabuti man o masakit—ang Diyos Ama ay kumikilos ayon sa Kanyang mabuting layunin na tayo ay tumatag sa pananampalataya at mas maging kalarawan ni Cristo. \nIto rin ang patuloy na inilalahad ng Heidelberg Catechism Q&A 1: dahil tayo’y kabilang kay Cristo\, tayo rin ay nasa ilalim ng maingat at mapagmahal na probidensya ng Ama. Walang anumang mangyayari sa atin na hiwalay sa Kanyang kaalaman at pahintulot. Ang mga pagsubok ay hindi tanda ng Kanyang paglayo\, kundi bahagi ng Kanyang marunong at mahabaging paggabay sa ating buhay. Kaya ang ating katiyakan ay hindi nakabatay sa ating kakayahang unawain ang lahat\, kundi sa pagkakilala sa Ama na laging gumagawa ng mabuti para sa Kanyang mga minamahal na anak. \nDahil dito\, maaari nating ipagkatiwala ang bawat araw—maging ang mga pangyayaring mahirap at hindi natin lubos maunawaan. Sa halip na mamuhay sa takot at pag-aalala\, tayo’y tinatawag na mapanatag\, magtiis\, sumunod\, at magtiwala dahil hindi tayo kailanman pababayaan ng ating Panginoon. \nSa gitna ng kawalang-katiyakan ng mundong ito\, at samu’t saring pagsubok at pangamba ang ating hinaharap sa araw-araw\, tandaan na ang ating Ama na nasa langit ay patuloy na kumikilos para sa ating ikabubuti at para sa Kanyang kaluwalhatian. Kaya’t maaari nating ipahayag nang may kapanatagan at kagalakan: Ako’y ligtas sa mabuting pamamahala at pangangalaga ng Diyos—sa buhay man o sa kamatayan. \nMapanatag ka\, sapagkat ang Diyos na makapangyarihan na lumikha at nagpapanatili sa lahat ng bagay ay Siya ring mabuti at tapat mong Ama na Siyang nagmamahal at nangangalaga sa’yo.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/panatag-sa-ilalim-ng-pangangalaga-ng-ama/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260106
DTEND;VALUE=DATE:20260107
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20251231T090433Z
LAST-MODIFIED:20251231T103508Z
UID:2006-1767657600-1767743999@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Halaga ng Aking Kaligtasan
DESCRIPTION:1 Pedro 1:18–19 (ASD)\nNalalaman ninyo na kayo’y tinubos mula sa inyong walang kabuluhang pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno\, hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira gaya ng pilak o ginto\, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo\, na gaya ng sa isang korderong walang dungis at walang kapintasan. \n\n\nSa mundong ating ginagalawan\, halos lahat ay may katumbas na halaga. May presyo ang lupa\, bahay\, edukasyon\, kalusugan\, at maging ang ating oras at lakas. Madalas nating tanungin: Magkano ang halaga nito? Sulit ba ang kapalit? \nNgunit may isang tanong na mas nararapat nating sagutin: Ano ang naging halaga ng aking kaligtasan? Ano ang naging kabayaran upang ako’y mapalaya at matubos mula sa kasalanan\, kamatayan\, at kaparusahan ng Diyos? \nAyon sa Salita ng Panginoon\, tayo ay naging mga alipin ng kasalanan at nararapat maparusahan\, sapagkat ang Diyos ay matuwid at banal. Gayunman\, Siya rin ay puspos ng awa at biyaya\, at sa Kanyang dakilang pag-ibig ay nagbigay Siya ng daan upang tayo ay mapalaya at maligtas. May nagbayad para sa atin—hindi sa pamamagitan ng pilak o ginto\, sapagkat ang mga ito’y nasisira at hindi kailanman sasapat sa pagkakautang natin sa Diyos. \nAng kabayarang nagpalaya at nagpanumbalik sa atin sa Diyos ay walang iba kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Ang Kanyang katawan at dugo ay kusang-loob Niyang inialay sa krus ng Kalbaryo\, gaya ng isang korderong walang dungis at walang kapintasan—ganap\, banal\, at karapat-dapat na handog upang mapawi ang poot ng Diyos. \nAng dakilang pagsasakripisyo ni Cristo para sa atin ay malinaw na nagpapatotoo ng dalawang dakilang katotohanan: una\, lubhang seryoso ang Diyos laban sa ating mga kasalanan sapagkat Siya ay banal\, makatarungan\, at hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang kasamaan; at ikalawa\, lubos at hindi masukat ang Kanyang pag-ibig sa atin\, pag-ibig na humantong sa pagbibigay ng pinakamahalagang kabayaran—ang Kanyang sariling Anak—upang tayo’y tubusin\, patawarin\, at ibalik sa Kanyang sarili. \nIto ang katotohanang binibigyang-diin sa atin ng Heidelberg Catechism: \n“Hindi ko na pag-aari ang aking sarili\, kundi ako ay kabilang—sa buhay at sa kamatayan—sa aking tapat na Tagapagligtas na si Jesu-Cristo\, na lubos na nagbayad para sa lahat ng aking kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang dugo.” \nSamakatuwid\, ang aking halaga ay hindi nasusukat sa aking tagumpay\, kabiguan\, o kakayahan\, kundi sa halagang ibinayad ni Cristo para sa akin. Ako’y mahalaga hindi dahil sa aking nagawa o gagawin\, kundi dahil sa Kanyang ginawa na para sa akin. \nKung ganoon kataas ang halagang ibinayad para sa ating katubusan\, paano na dapat tayo mamuhay? Nawa\, hindi na bumalik muli bilang alipin ng kasalanan\, kundi bilang taong tinubos at inari na ni Cristo. Sa araw-araw\, mamuhay tayo ng may pasasalamat\, hindi upang bayaran ang kaligtasan—sapagkat ito’y ganap na binayaran na—kundi bilang tugon sa biyayang ating tinanggap. \nSa gitna ng tukso\, panghihina\, at pagdurusa\, maaari tayong magpatuloy nang may katiyakan at pasasalamat: na ang ating buhay ay may walang hanggang halaga\, sapagkat ito’y tinubos hindi ng pilak o ginto\, kundi ng mahalagang dugo ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/ang-halaga-ng-aking-kaligtasan/
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260105
DTEND;VALUE=DATE:20260106
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260104T160040Z
LAST-MODIFIED:20260110T123538Z
UID:1971-1767571200-1767657599@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Tangi Kong Kaaliwan sa Buhay at Kamatayan
DESCRIPTION:Roma 14:8 (ASD)\nSapagkat kung tayo’y nabubuhay\, sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo’y namamatay\, sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga kung tayo’y mabuhay man o mamatay\, tayo’y sa Panginoon. \n\n\nSa pagsisimula ng bagong taon\, natural lang na tayo’y magbalik-tanaw sa nakaraan at humarap sa kinabukasan nang may halong pag-asa at pangamba. Maraming tanong ang pumupuno sa ating puso: “Ano kaya ang mangyayari sa taong ito? Ano ang naghihintay para sa akin\, sa aking pamilya\, sa aking kalusugan\, trabaho\, at pananampalataya?” \nSa gitna ng lahat ng ito\, kailangan natin ng isang katotohanang hindi nagbabago—isang matatag na pundasyon na magbibigay sa atin ng kaaliwan hindi lamang sa taon na ito kundi sa ating buong buhay. \nAng kaaliwang inilalahad ng Salita ng Diyos at pinagtitibay ng Heidelberg Catechism ay ito: tayo ay kabilang sa Panginoon—sa buhay man o sa kamatayan. Ang ating katawan at kaluluwa ay hindi na atin\, kundi pag-aari na ni Cristo. \nPara sa marami\, ang kanilang pangunahing kaaliwan ay maaaring matagpuan sa pamilya\, mga kaibigan\, trabaho\, o salapi—mga bagay na mabuti ngunit pansamantala at nagbabago. Ang mga ito’y maaaring magbigay ng panandaliang ginhawa\, ngunit hindi nila kayang magbigay ng katiyakang tumatagal hanggang wakas. \nNgunit para sa atin\, ang tunay at matibay na kaaliwan ay nagmumula sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya ang nagligtas sa atin\, umangkin sa atin bilang Kanya\, at patuloy na nag-iingat sa atin. Siya lamang ang makapagbibigay ng tunay na kapayapaan\, kagalakan\, at kasapatan—hindi dahil sa ating lakas o talino\, kundi dahil sa Kanyang wagas na pag-ibig\, masaganang biyaya\, at di-nagmamaliw na katapatan. Ito ang kaaliwang hindi nagbabago at hindi kumukupas. \nIto ang katotohanang higit pa sa anumang resolusyon o plano sa buhay\, na sa kabila man ng tagumpay o kabiguan\, sa lakas man o panghihina\, sa buhay man o sa kamatayan—iisa ang ating hindi nagbabagong katiyakan: tayo ay pag-aari ni Cristo. \nKaya naman\, sa pagsisimula pa lamang ng taon na ito\, maaari nating ipagkatiwala ang kabuuan nito sa ating tapat na Panginoon. Hindi dahil alam natin ang mga mangyayari at hawak natin ang hinaharap\, kundi dahil kilala natin ang Siyang may alam at hawak ng lahat—ang tapat na’ting Tagapagligtas na si Cristo. \nSa gitna ng mundong makasalanan at pabagu-bago\, mamuhay ka ng may kagalakan at katapatan sapagkat mayroon kang natatangi at dakilang kaaliwan. Lagi natin itong alalahanin\, sambitin\, at itanim sa ating mga puso: \n“Hindi ko na pag-aari ang aking sarili\, kundi ako ay kabilang—sa buhay at sa kamatayan—sa aking tapat na Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.” \nIto ang ating matatag na pundasyon—hindi lamang sa taong ito\, kundi hanggang sa oras ng ating kamatayan\, at hanggang sa buhay na walang hanggan sa piling ng ating Panginoon.
URL:https://lcc.org.ph/devotion/ang-tangi-kong-kaaliwan-sa-buhay-at-kamatayan/
CATEGORIES:Devotionals
END:VEVENT
BEGIN:VEVENT
DTSTART;VALUE=DATE:20260104
DTEND;VALUE=DATE:20260105
DTSTAMP:20260513T200755
CREATED:20260104T163607Z
LAST-MODIFIED:20260110T124433Z
UID:2053-1767484800-1767571199@lcc.org.ph
SUMMARY:Ang Ating Kaaliwan sa Bawat Araw - Panimula
DESCRIPTION:
URL:https://lcc.org.ph/devotion/introduction/
END:VEVENT
END:VCALENDAR