CREEDS & CONFESSIONS

We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.

Pananampalatayang Nicea

  1. Sumasampalataya ako sa iisang Dios, ang Amang Makapangyarihan,
  2. Na lumikha sa langit at lupa, at sa lahat ng mga bagay na nakikita at hindi nakikita.
  3. Sumasampalataya ako sa Panginoong Jesu-Cristo, ang bugtong na Anak ng Dios; bunga ng Ama bago pa ang lahat;
  4. Dios na Dios; Ilaw na Ilaw, napakaDios na napakaDios;
  5. Bugtong na Anak, hindi ginawa
  6. Kaisang kalikasan ng sa Ama, sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat ng bagay;
  7. Siya, na para sa ating kaligtasan ay bumaba mula sa langit;
  8. At nagkatawang tao, sa paglukob ng Banal na Espiritu sa sinapupunan ni Birheng Maria, at naging tunay na tao;
  9. Ipinako sa krus sa hatol ni Poncio Pilato, para din sa atin;
  10. Nagdusa Siya at inilibing;
  11. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli ayon sa kasulatan;
  12. Umakyat sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Ama;
  13. At mula Siyang darating, puno ng kaluwalhatian upang hatulan ang mga buhay at mga patay, kung saan ang Kanyang kaharian ay walang katapusan;
  14. At Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, ang Panginoon at Tagapagbigay ng buhay; na mula sa Ama at sa Anak, Siya, kasama ng Ama at ng Anak ay sinamba at niluwalhati; Siya na ipinahayag ng mga propeta.
  15. At Sumasampalataya ako sa banal na pangkalahatan at Apostolikong Iglesya; kinikilala ko ang isang bautismo sa ikapapawi ng mga kasalanan, at inaasam Koa ng muling pagkabuhay ng mga patay, at ang buhay na darating pa. AMEN!