CREEDS & CONFESSIONS
We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.
Pananampalatayang Athanasia
- Sinumang nagnanais na maligtas, una sa lahat ay dapat panghawakan ang pangkalahatang pananampalataya
- Sino man na hindi patuloy na magtitiwalang buo dito ay tiyak na mapapahamak magpakailanman
- Ito ang pangkalahatang pananampalataya: Na tayo ay sumasamba sa isang Dios na nasa tatlong persona at tatlong persona na iisa
- Hindi nakakalito ang bawat persona o hindi hinahati ang kaisahan;
- Sapagkat ang persona ng Ama ay bukod na persona, ang persona ng Anak ay iba at ang persona ng Banal na Espiritu ay iba rin.
- Ngunit sa pagka-Dios, ang Ama, Anak at Banal na Espiritu ay iisa, pantay-pantay ang kaluwalhatian, ang kadikalaan ay magkakasing walang hanggan.
- Gayon sa Ama, pareho sa Anak, pareho sa Banal na Espiritu
- Ang Ama ay hindi nilikha, ang Anak ay hindi nilikha, ang Banal na Espiritu ay hindi nilikha
- Ang Ama ay hindi masusukat, ang Anak ay hindi masusukat, ang Banal na Espiritu ay hindi masusukat.
- Ang Ama ay walang hanggan, ang Anak ay walang hanggan, ang Banal na Espiritu ay walang hanggan
- Gayunman ay hindi tatlong walang hanggan mga personalidad ngunit isang walang hanggang personalidad.
- Gayundin walang tatlong nilikha o hindi masusukat na mga personalidad ngunit isang hindi nilikha at hindi masusukat na personalidad.
- Gaya ng Ama na Makapangyarihan, ang Anak ay makapangyarihan, ang Banal na Espiritu ay Makapangyarihan.
- Gayunpaman ay hindi tatlong Makapangyarihan ngunit isang makapanpayarihang personalidad.
- Sa ganito, ang Ama ay Dios, ang Anak ay Dios, ang Banal na Espiritu ay Dios
- Gayundin, walang tatlong dios, ngunit isang Dios
- Sa ganito, ang Ama ay Panginoon, ang Anak ay Panginoon, ang Banal na Espiritu ay Panginoon
- Gayundin walang tatlong Panginoon, ngunit mayron isang Panginoon,
- Gaya ng kristianong katotohanan na inuudyukan tayo na ipahayag ang bawat persona ng isahan bilang parehong Dios at Panginoon.
- Kaya nga pinagbabawalan tayo pangkalahatang relihiyon na magsalita na mayroong tatlong mg adios at mga panginoon
- Ang Ama ay hindi ginawa o hindi nilikha, ni nagmula sa kanino man.
- Ang Anak ay hindi ginawa o hindi nilikha, nagmula Siya sa Ama lamang.
- Ang Banal na Espiritu ay hindi ginawa o hindi nilikha, ni hindi ipinanganak, nagmula Siya sa Ama at sa Anak
- Sang-ayon dito, may isang Ama, hindi tatlong mga ama, may isang Anak, hindi tatlong mga anak, may isang Banal na Espiritu, hindi tatlong mga banal na espiritu
- Wala sa Banal na Trinidad na ito, ang nauuna o nahuhuli, walang malaki o maliit;
- Sa kanilang kaisahan, ang tatlong persona ay magkakasing-walang hanggan, pantay-pantay sa isa’t-isa.
- Kaya nga sa lahat ng bagay, gaya ng nasabi na; ang kaisahan ng Trinidad at ng Trinidad sa kaisahan ay dapat na sambahin.
- Sino man kung gayon na nagnanais na maligtas ay dapat isipin ang ganito tungkol sa Trinidad.
- Ngunit lubhang kailangan para sa walang hanggang kaligtasan na ang tao ay maniwala rin sa pagkakatawang-tao ng ating Panginoong Jesu-Cristo nang may katapatan
- Ngayon, ito ang tunay na pananampalaya: na tayo ay magtiwala at magpahayag na ang ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Anak ng Dios ay parehong magkapantay na Dios at tao.
- Siya ay Dios sa kalikasan ng Ama, naroon na bago pa ang panahon, at Siya ay tao sa kalikasan ng Kanyang ina, isinilang sa isang panahon.
- Ganap na Dios, ganap na tao, may makatuwirang kaluluwa at katawan.
- Kapantay ng Ama sa Kanyang pagka-Dios, mababa kaysa Ama tungkol sa Kanyang pagiging tao
- Bagamat Siya ay Dios at tao, gayunman, si Cristo ay hindi dalawa kundi iisa.
- Sa ganitong paraan; Siya ay iisa hindi dahil sa ang Kanyang pagka-Dios ay pinalitan ng laman, kundi sa inilagay ng Dios mismo ay pagiging tao sa Kanyang sarili.
- Isa lang Siya at tiyakang hindi sa pamamagitan ng pagsasama ng Kanyang kalikasan subalit sa pamamagitan ng pakikipag-isa ng Kanyang persona
- Kung paanong ang isang tao ay parehong makatuwirang kaluluwa at laman, gayon ang isang Cristo ay parehong Dios at tao.
- Nagdusa Siya para sa ating kaligtasan, bumaba Siya sa impierno, bumangon mula sa mga patay nang ikatlong araw
- Umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Ama
- Mula roon Siya ay darating upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay
- Sa Kantang pagdating ang lahat ay babangon sa katawan,
- At magbibigay –sulit sa lahat nilang ginawa.
- Silang gumawa ng mabuti ay papasok sa buhay na walang hanggan, at silang gumawa ng masama ay mapupunta sa walang hanggang apoy.
- Ito ang pangkalahatang pananampalataya: na alang maliligtas nang hindi matatag na sumasampalataya dito nang butong katapatan.
Isinalin sa Tagalog ni Pastor Ben Sandoval