CREEDS & CONFESSIONS
We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.
Pananampalatayang Nicea
- Sumasampalataya ako sa iisang Dios, ang Amang Makapangyarihan,
- Na lumikha sa langit at lupa, at sa lahat ng mga bagay na nakikita at hindi nakikita.
- Sumasampalataya ako sa Panginoong Jesu-Cristo, ang bugtong na Anak ng Dios; bunga ng Ama bago pa ang lahat;
- Dios na Dios; Ilaw na Ilaw, napakaDios na napakaDios;
- Bugtong na Anak, hindi ginawa
- Kaisang kalikasan ng sa Ama, sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat ng bagay;
- Siya, na para sa ating kaligtasan ay bumaba mula sa langit;
- At nagkatawang tao, sa paglukob ng Banal na Espiritu sa sinapupunan ni Birheng Maria, at naging tunay na tao;
- Ipinako sa krus sa hatol ni Poncio Pilato, para din sa atin;
- Nagdusa Siya at inilibing;
- Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli ayon sa kasulatan;
- Umakyat sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Ama;
- At mula Siyang darating, puno ng kaluwalhatian upang hatulan ang mga buhay at mga patay, kung saan ang Kanyang kaharian ay walang katapusan;
- At Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, ang Panginoon at Tagapagbigay ng buhay; na mula sa Ama at sa Anak, Siya, kasama ng Ama at ng Anak ay sinamba at niluwalhati; Siya na ipinahayag ng mga propeta.
- At Sumasampalataya ako sa banal na pangkalahatan at Apostolikong Iglesya; kinikilala ko ang isang bautismo sa ikapapawi ng mga kasalanan, at inaasam Koa ng muling pagkabuhay ng mga patay, at ang buhay na darating pa. AMEN!