CREEDS & CONFESSIONS

We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.

Pananampalatayang Athanasia

  1. Sinumang nagnanais na maligtas, una sa lahat ay dapat panghawakan ang pangkalahatang pananampalataya
  2. Sino man na hindi patuloy na magtitiwalang buo dito ay tiyak na mapapahamak magpakailanman
  3. Ito ang pangkalahatang pananampalataya: Na tayo ay sumasamba sa isang Dios na nasa tatlong persona at tatlong persona na iisa
  4. Hindi nakakalito ang bawat persona o hindi hinahati ang kaisahan;
  5. Sapagkat ang persona ng Ama ay bukod na persona, ang persona ng Anak ay iba at ang persona ng Banal na Espiritu ay iba rin.
  6. Ngunit sa pagka-Dios, ang Ama, Anak at Banal na Espiritu ay iisa, pantay-pantay ang kaluwalhatian, ang kadikalaan ay magkakasing walang hanggan.
  7. Gayon sa Ama, pareho sa Anak, pareho sa Banal na Espiritu
  8. Ang Ama ay hindi nilikha, ang Anak ay hindi nilikha, ang Banal na Espiritu ay hindi nilikha
  9. Ang Ama ay hindi masusukat, ang Anak ay hindi masusukat, ang Banal na Espiritu ay hindi masusukat.
  10. Ang Ama ay walang hanggan, ang Anak ay walang hanggan, ang Banal na Espiritu ay walang hanggan
  11. Gayunman ay hindi tatlong walang hanggan mga personalidad ngunit isang walang hanggang personalidad.
  12. Gayundin walang tatlong nilikha o hindi masusukat na mga personalidad ngunit isang hindi nilikha at hindi masusukat na personalidad.
  13. Gaya ng Ama na Makapangyarihan, ang Anak ay makapangyarihan, ang Banal na Espiritu ay Makapangyarihan.
  14. Gayunpaman ay hindi tatlong Makapangyarihan ngunit isang makapanpayarihang personalidad.
  15. Sa ganito, ang Ama ay Dios, ang Anak ay Dios, ang Banal na Espiritu ay Dios
  16. Gayundin, walang tatlong dios, ngunit isang Dios
  17. Sa ganito, ang Ama ay Panginoon, ang Anak ay Panginoon, ang Banal na Espiritu ay Panginoon
  18. Gayundin walang tatlong Panginoon, ngunit mayron isang Panginoon,
  19. Gaya ng kristianong katotohanan na inuudyukan tayo na ipahayag ang bawat persona ng isahan bilang parehong Dios at Panginoon.
  20. Kaya nga pinagbabawalan tayo pangkalahatang relihiyon na magsalita na mayroong tatlong mg adios at mga panginoon
  21. Ang Ama ay hindi ginawa o hindi nilikha, ni nagmula sa kanino man.
  22. Ang Anak ay hindi ginawa o hindi nilikha, nagmula Siya sa Ama lamang.
  23. Ang Banal na Espiritu ay hindi ginawa o hindi nilikha, ni hindi ipinanganak, nagmula Siya sa Ama at sa Anak
  24. Sang-ayon dito, may isang Ama, hindi tatlong mga ama, may isang Anak, hindi tatlong mga anak, may isang Banal na Espiritu, hindi tatlong mga banal na espiritu
  25. Wala sa Banal na Trinidad na ito, ang nauuna o nahuhuli, walang malaki o maliit;
  26. Sa kanilang kaisahan, ang tatlong persona ay magkakasing-walang hanggan, pantay-pantay sa isa’t-isa.
  27. Kaya nga sa lahat ng bagay, gaya ng nasabi na; ang kaisahan ng Trinidad at ng Trinidad sa kaisahan ay dapat na sambahin.
  28. Sino man kung gayon na nagnanais na maligtas ay dapat isipin ang ganito tungkol sa Trinidad.
  29. Ngunit lubhang kailangan para sa walang hanggang kaligtasan na ang tao ay maniwala rin sa pagkakatawang-tao ng ating Panginoong Jesu-Cristo nang may katapatan
  30. Ngayon, ito ang tunay na pananampalaya: na tayo ay magtiwala at magpahayag na ang ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Anak ng Dios ay parehong magkapantay na Dios at tao.
  31. Siya ay Dios sa kalikasan ng Ama, naroon na bago pa ang panahon, at Siya ay tao sa kalikasan ng Kanyang ina, isinilang sa isang panahon.
  32. Ganap na Dios, ganap na tao, may makatuwirang kaluluwa at katawan.
  33. Kapantay ng Ama sa Kanyang pagka-Dios, mababa kaysa Ama tungkol sa Kanyang pagiging tao
  34. Bagamat Siya ay Dios at tao, gayunman, si Cristo ay hindi dalawa kundi iisa.
  35. Sa ganitong paraan; Siya ay iisa hindi dahil sa ang Kanyang pagka-Dios ay pinalitan ng laman, kundi sa inilagay ng Dios mismo ay pagiging tao sa Kanyang sarili.
  36. Isa lang Siya at tiyakang hindi sa pamamagitan ng pagsasama ng Kanyang kalikasan subalit sa pamamagitan ng pakikipag-isa ng Kanyang persona
  37. Kung paanong ang isang tao ay parehong makatuwirang kaluluwa at laman, gayon ang isang Cristo ay parehong Dios at tao.
  38. Nagdusa Siya para sa ating kaligtasan, bumaba Siya sa impierno, bumangon mula sa mga patay nang ikatlong araw
  39. Umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Ama
  40. Mula roon Siya ay darating upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay
  41. Sa Kantang pagdating ang lahat ay babangon sa katawan,
  42. At magbibigay –sulit sa lahat nilang ginawa.
  43. Silang gumawa ng mabuti ay papasok sa buhay na walang hanggan, at silang gumawa ng masama ay mapupunta sa walang hanggang apoy.
  44. Ito ang pangkalahatang pananampalataya: na alang maliligtas nang hindi matatag na sumasampalataya dito nang butong katapatan.

 

Isinalin sa Tagalog ni Pastor Ben Sandoval