CREEDS & CONFESSIONS
We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.
Pananampalataya ng mga Apostol
- Sumasampalataya ako sa Dios Ama na Makapangyarihan, may likha ng langit at ng lupa.
- Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang bugtong na Anak na ating Panginoon
- Ipinaglihi, gawa ng Banal na Espiritu, ipinanganak ni Birheng Maria;
- Nagdusa sa hatol ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing, bumaba Siya sa impierno;
- Nang ikatlong araw, nabuhay Siyang muli mula sa mga patay;
- Umakyat Siya sa langit, at naluklok sa kanang kamay ng Dios Ama na Makapangyarihan;
- Mula rito ay darating Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at mga patay.
- Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu;
- Sumasampalataya ako sa banal na pangkalahatang Iglesya; sa kapulungan ng mga banal;
- Sa kapatawaran ng mga kasalanan;
- Sa muling pagkabuhay ng katawan,
- At sa buhay na walang hanggan. Amen!
Isinalin sa Tagalog ni Pastor Ben Sandoval