We believe the teaching of the Bible is faithfully summarized in the ecumenical creeds and our Reformed Confessions.
Q. Ano ang tangi mong kaaliwan sa buhay at sa kamatayan?
A. Na ako na may katawan at kaluluwa, maging sa buhay at sa kamatayan1, ay hindi ko sariling pag-aari2, sapagkat nabibilang ako sa aking matapat na Tagapagligtas na si Hesu-Cristo3, Siya, at ang Kanyang mahal na dugo, ay ganap nang kabayaran sa lahat kong mga kasalanan4, at pinalaya ako sa buong kapangyarihan ng diyablo5, at iniingatan Niya akong lubos6, na kung hindi kalooban ng aking Amang nasa langit, ay walang malalagas ni isang hiblang buhok mula sa aking ulo7, tunay, na ang lahat ng mga bagay ay nararapat sumailalim sa aking kaligtasan8, yamang sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, ay binigyang katiyakan ako sa buhay na walang hanggan9, at ginawa Niyang matapat akong nasisiyahan at nakahanda, mula ngayon, na mabuhay para sa Kanya10.
1 1 Cor. 6:19–20
2 Rom. 14:7–9
3 1 Cor. 3:23; Titus 2:14
4 1 Pet. 1:18–19; 1 John 1:7–9; 2:2
5 John 8:34–36; Heb. 2:14–15; 1 John 3:1–11
6 John 6:39–40; 10:27–30; 2 Thess. 3:3; 1 Pet. 1:5
7 Matt. 10:29–31; Luke 21:16–18
8 Rom. 8:28
9 Rom. 8:15–16; 2 Cor. 1:21–22; 5:5; Eph. 1:13–14
10 Rom. 8:1–17
Q. Ilan ang mga bagay na kailangan upang malaman mo na ikaw ay nasisiyahan sa kaaliwang ito at marahil ay mabuhay ka at mamatay na may kagalakan?
A. Una, kung gaano kalaki ang aking mga kasalanan at mga pagdurusa.1
Pangalawa, kung paano ako maiiligtas sa aking mga kasalanan at mga pagdurusa.2
Pangtalo, kung paano ko maipapahayag ang aking malaking pagpapasalamat sa Dios para sa gayong kaligtasan3
Q. Saan nagmula ang pagkaalam mo tungkol sa iyong mga kasalanan at mga pagdurusa?
A. A. Mula sa Kautusan ng Dios.1
Q. Ano ang hinihingi sa atin ng Kautusan ng Dios?
A. Itinuturo ito sa atin ni Kristo sa binuod na paraan sa Mateo 22:37–40 na:
““Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”1 Ito ang dakila at pangunahing utos. At katulad nito ang pangalawa, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” At nakabatay sa dalawang utos na ito ang buong kautusan at ang mga propeta.2
Q. Magagawa mo bang isakatuparang ganap ang lahat ng ito?
A.Hindi.1 Sapagkat nakahilig ang kalikasan ko na mamuhi sa Dios at sa aking kapwa.2
1 Rom. 3:9–20, 23; 1 John 1:8, 10
2 Gen. 6:5; Jer. 17:9; Rom. 7:23–24; 8:7; Eph. 2:1–3; Titus 3:3
Q. Kung gayon, nilikha ba ng Dios ang tao na napakasama at balakyot?
A. Hindi. Sa halip nilikha ng Dios na mabuti ang tao1 at naaayon sa Kanyang wangis,2
may tunay na katuwiran at kabanalan,3 nang sa gayon, ay makilala niya ng tama ang Dios na kanyang Manlilikha,4 buong-puso na ibigin Siya, at mamuhay na kapiling Niya sa magpasawalang hanggang kaligayahan upang purihin at luwalhatiin Siya. 5
Q. Kung gayon, saan nagmula ang balakyot na kalikasan ng tao?
A. A. Nagmula ito sa pagkadaig sa tukso at pagsuway ng ating unang mga magulang, sina Adan at Eba, sa Paraiso1, dahil doon, ang ating kalikasan ay naging napakasama2, mula rito tayong lahat ay ipinaglihi at isinisilang sa kasalanan.3
Q. Tayo ba, kung gayon ay napakasama na wala na tayong kakayahang gumawa ng kahit anong kabutihan at pawang kasamaan na lang ang hilig gawin?
A. Gayon nga tayo,1 maliban na tayo ay isilang na muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios.2
1 Gen. 6:5; 8:21; Job 14:4; Isa. 53:6
2 John 3:3–5
Q. Kung gayon ba, ay nagiging hindi makatarungan ang Dios sa pagbibigay ng kautusan sa tao na hindi naman niya kayang gampanan?
A. Hindi, sapagkat nilikha ng Dios ang tao na may kakayahang sundin ito;1 subalit ang tao, sa pamamagitan ng panunulsol ng diablo 2 at sa kanyang kusang pagsuway,3 ay nawala sa kanya at sa lahat na susunod na lahi niya ang makalangit na kaloob nito.4
Q. Pagtitiisan ba ng Dios ang gayong pagsuway at paglaban na hayaang walang kaparusahan?
A. Sa anumang dahilan, Hindi; sa halip ay labis na napopoot sa ating minanang kasalanan gayon din sa ginagawa nating mga kasalanan at parusahan ang mga ito ayon sa kanyang makatarungang paghatol ngayon at magpakailanman1 na gaya ng Kanyang ipinahayag: “Sumpain ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng kautusan at gumagawa nito.”2
Q. Kung gayon, hindi ba mahabagin din ang Dios?
A. Tunay nga na mahabagin ang Diyos,1 ngunit makatarungan din,2
kaya nga kailangan ng Kanyang katarungan na ang kasalanang nagawa laban sa kataas-taasang kamahalan ng Dios ay parusahan din ng sukdulan at ito ay ang walang hanggang pagdurusa ng katawan at kaluluwa.3
Q. Yamang ayon sa makatuwirang paghatol ng Dios, kung gayon ay nararapat tayong parusahan sa buhay na ito at magpasawalang-hanggan, wala na bang daan upang matakasan natin ang gayong kaparusahan, at muling makapasok sa kalinga ng Dios?
A. Mananaig ang katarungan ng Dios, kaya nga nararapat itong pagbayaran lahat sa pamamagitan natin o ng iba.2
Q. Magagawa ba natin, sa ating mga sarili na pagbayaran ang lahat nating mga kasalanan?
A. Sa anumang paraan, hindi. Sa katunayan ay patuloy pa nating nadaragdagan ang ating mga kasalanan araw-araw..1
Q. Makakakita ba saan man ng isang nilikha na magagawang magbayad para sa ating mga kasalanan?
A. Wala, sapagkat, una, hindi parurusahan ng Dios ang sinumang nilalang para sa kasalanan ng mga tao1, at higit pa, walang nilalang din lamang ang makapagtitiis sa bigat ng walang hanggang poot ng Dios laban sa kasalanan at makapagliligtas ng iba pa mula rito.2
1 Ezek. 18:4, 20; Heb. 2:14–18
2 Pss. 49:7–9; 130:3
Q. Kung gayon, anong uri ng tagapamagitan at tagapagligtas ang nararapat nating hanapin?
A. Isang totoong tao1 at ganap na matuwid2, at higit na makapangyarihan sa lahat ng nilalang, samakatuwid isa rin Siyang Dios na tunay.3
Q. Bakit kailangan pa na siya ay tunay na tao at ganap na matuwid?
A. Sapagkat ang pagkamakatarungan ng Dios ay nangangailangan na isang nasa kalikasang-tao na nagkasala ang makakatubos sa kasalanan ng tao.1 Kailangan din na ganap na matuwid sapagkat hindi makakatubos ang isang makasalanan sa kasalanan ng iba.2
Q. Bakit kailangan na Siya na isang tao ay isa ring tunay na Dios?
A. Nang sa gayon ay makaya Niya, sa kapangyarihan ng Kanyang pagka-Dios na matiis ng Kanyang kalikasang-tao ang bigat ng poot ng Dios at magawang makamtan at maibalik para sa ating ang katuwiran at buhay.1
Q. Ngunit sino ang Tagapamagitang ito na isang tunay na Dios at tunay na taong ganap na matuwid?
A. Ang ating Panginoong Jesu-Cristo,1 na Siyang ginawa ng Dios na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan at katubusan.2
Q. Saan nagmula ang kaalaman na ito?
A. Nagmula sa banal na ebanghelyo, na unang ipinahayag ng Dios doon sa Paraiso;1 at pagkatapos ay isiniwalat ng mga patriarka2 at mga propeta3 at ipinahiwatig sa pamamagitan ng mga haing handog at iba pang mga seremonya ng kautusan;4 at panghuli, ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na Anak.5
Q. Kung gayon, ang lahat bang tao na napahamak kay Adan, ay naligtas sa pamamagitan ni Cristo?
A. Hindi, ‘yong mga nahugpong lamang sa Kanya at tumanggap ng lahat Niyang pagpapala sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya.1
1 Matt. 7:14; John 3:16, 18, 36; Rom. 11:16–21
Q. Ano ang tunay na pananampalataya?
A. Ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang isang tiyak na kaalaman,
kung saan ay naninindigan ako para sa katotohanan ng lahat na ipinahayag sa atin ng Dios sa Kanyang Salita,1 kundi isa pang tiyak na pagtitiwala,2 na Siyang pagkilos ng Banal na Espiritu sa aking puso3 sa pamamagitan ng Magandang Balita,4 na yaon ay hindi lamang para sa iba, kundi pati na sa akin, ang kapatawaran ng mga kasalanan, walang hanggang katuwiran at kaligtasan,5 na malayang ipinagkaloob ng Dios, sa Kanyang biyaya para lamang sa kapakanan ng natapos na gawain ni Cristo. 6
1 John 17:3, 17; Heb. 11:1–3; James 2:19
2 Rom. 4:18–21; 5:1; 10:10; Heb. 4:14–16
3 Matt. 16:15–17; John 3:5; Acts 16:14
4 Rom. 1:16; 10:17; 1 Cor. 1:21
5 Rom. 1:17; Heb. 10:10
6 Rom. 3:21–26; Gal. 2:16; Eph. 2:8–10
Q. Ano kung gayon ang nararapat panampalatayaan ng isang Kristiano?
A. Ang lahat ng mga bagay na ipinangako sa atin ng Magandang Balita; kung saan ang mga artikulo ng ating hindi mapag-aalinlanganan na pangkalahatang Kistianong pananampalataya ang tuwirang nagtuturo sa atin.1
Q. Ano ang mga artikulong ito?
A.
Q. Paano nahahati ang mga artikulong ito?
A. Nahahati ito sa tatlong bahagi:
Ang una ay tungkol sa Dios Ama, at sa pagkalikha sa atin;
ang ikalawa ay tungkol sa Dios Anak, at sa pagkatubos sa atin;
ang ikatlo ay tungkol sa Dios Espiritu Santo, at sa pagpapabanal sa atin.
Q. Yamang may iisang banal na Dios lamang,1 bakit tinatawag pang Ama, Anak at Banal na Espiritu?
A. Sapagkat ipinahayag ng Dios sa Kanyang Salita:2 na ang tatlong makakaibang persona na ito ang nag-iisang tunay at walang hanggang Dios.
Q. Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong: sumasampalataya ako sa Dios Amang Makapangyarihan sa lahat, na lumikha ng langit at ng lupa?
A. Na ang walang hanggang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo (na mula saw ala ay nilikha ang langit at ang lupa at lahat ng narito;1 na Siya ring nagpapanatili at namamahala sa mga ito sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang karunungan at katalagahan)2 ay aking Dios at Ama,3
alang-alang kay Cristo, ay ganap kong pinagtitiwalaan, ng walang pag-aalinlangan na ipagkakaloob Niya ang lahat na pangangailangan ng aking kaluluwa at katawan,4 higit pa rito, gagawin Niya na anumang kasamaan hiayaan Niyang maranasan ko, sa batis ng luha, ay para sa aking ikabubuti;5 dahil Siya ay may kakayahang gawin ito, bilang Makapangyarihang Dios,6 at may pagnanais bilang isang matapat na Ama.7
Q. Ano ang pagkaunawa mo sa pagkalinga ng Dios?
A. Ito ay ang kapangyarihan ng Dios na sumasaklaw sa lahat at kanyang nananatiling lakas1 na Siyang humahawak at namamahala sa langit, sa lupa, at sa lahat ng nilalang.2 Kung kaya’t ang mga halaman at damo, tag-ulan at tagtuyot3, mabunga o tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at karamdaman, kayamanan at karukhaan.3—Oo, at ang lahat ng bagay ay dumarating, hindi dahil sa nagkataon lamang,4 kundi itinalaga ng Dios Ama.5
1 Jer. 23:23–24; Acts 17:24–28
2 Heb. 1:3
3 Jer. 5:24; Acts 14:15–17; John 9:3; Prov. 22:2
4 Prov. 16:33
5 Matt. 10:29
Q. Ano ang pakinabang natin na malaman na nilikha ng Dios ang lahat ng bagay at patuloy Niyang inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang Makapangyarihang pagkalinga?
A. Tayo ay magiging mapagtiis sa mga kasawian,1 mapagpasalamat sa kasaganaan,2 at sa lahat ng bagay na maaaring maranasan natin, ay ilagak ang ating matatag na pananalig sa ating matapat na Dios at Ama3 na walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig. Sapagkat ang lahat ng nilikha ay hawak ng Kanyang ma kamay na kung hindi Niya kalooban ay walang sinumang makakaagaw.4
Q. Bakit ang Anak ng Dios ay tinawag na Jesus, yaon ay Tagapagligtas?
A. Sapagkat iniligtas Niya tayo at pinalaya mula sa ating mga kasalanan;1 at gayundin naman, hindi natin masusumpungan ang kaligtasan sa sinuman.2
Q. Naniniwala nga ba sa tanging Tagapagligtas na si Jesus ang mga naghahanap ng kanilang kaligtasan sa mga santo, sa kanilang mga sarili o sa kung saanman?
A. Hindi, bagama’t ipinagmamalaki nila Siya sa kanilang pananalita, sa gawa ay itinatatwa nila si Jesus bilang nag-iisang Tagapagpalaya at Tagapagligtas.1 Gayundin naman, alinman sa dalawang ito ang totoo: na si Jesus ay hindi ganap na Tagapagligtas o sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay matanggap nila si Jesus na Tagapagligtas, na marapat na makita nila ang lahat ng mga bagay na kailangan sa kanilang kaligtasan sa Kanya.2
Q. Bakit Siya tinawag na Cristo na ang ibig sabihin ay pinahiran ng langis?
A. Sapagkat Siya ay itinalaga ng Dios Ama at hinirang sa pamamagitan ng banal na Espiritu1 na maging ating punong Propeta at Guro2 na Siyang lubos na nagpahayag sa atin ng lihim na layunin at kalooban ng Dios tungkol sa ating katubusan;3 na Siya nating maging punong Pari4 na sa Kanyang paghahandog ng sariling katawan,5 ay natubos tayo at Siyang patuloy na namamagitan para sa atin sa harapan ng Ama;6 at maging ating walang hanggang Hari7 na Siyang namamahala sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu, at Siyang nagtatanggol at nag-iingat sa atin sa katubusang tinamo Niya’y para sa atin.8
1 Luke 3:21–22; 4:14–19 (Isa. 61:1); Heb. 1:9 (Ps. 45:7)
2 Acts 3:22 (Deut. 18:15)
3 John 1:18; 15:15
4 Heb. 7:17 (Ps. 110:4)
5 Heb. 9:12; 10:11–14
6 Rom. 8:34; Heb. 9:24
7 Matt. 21:5 (Zech. 9:9)
8 Matt. 28:18–20; John 10:28; Rev. 12:10–11
Q. Ngunit bakit ka tinawag na Kristiyano?
A. Sapagkat ako ay napabilang kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya1 at dahil dito ay naging kabahagi ako ng pagkahirang sa Kanya.2 Nang sa gayon, bilang propeta ay maaari kong ipahayag ang Kanyang Pangalan,3 bilang Pari ay maiaalay ko ang aking sarili bilang handog na buhay na pasasalamat sa Kanya,4 at bilang Hari na may malaya at mabuting kalooban laban sa kasalanan at sa diabolo sa buhay na ito,5 at pagkatapos ay maghaharing kasama Niya magpakailanman.6
Q. Bakit si Cristo ay tinawag na “naiisang bugtong na Anak” gayong tayong lahat ay mga anak din ng Dios?
A. Sapagkat si Cristo lamang ang walang hanggan at likas na Anak ng Dios.1 Ngunit tayo ay mga anak na inampon lamang ng Dios, sa pamamagitan ng biyaya, para sa Kanyang layunin.2
1 John 1:1–3, 14, 18; Heb. 1
2 John 1:12; Rom. 8:14–17; Eph. 1:5–6
Q. Sa anong dahilan at tinatawag natin Siyang Panginoon?
A. Sapagkat tinubos Niya tayo, katawan at kaluluwa sa lahat nating mga kasalanan, hindi ng pilak o ginto, kundi ng Kanyang mahal na dugo,1 at pinalaya tayo mula sa kapangyarihan ng Diablo, at sa gayon,2 tayo ay naging pag-aari na Niya.3
Q. Anong kahulugan ng mga salitang ito – “Siya ay ipinaglihi sa paglukob ng Banal na Espiritu, ipinanganak ng Birheng Maria”?
A. Na ang walang hanggang Anak ng Dios na Siyang nananatiling tunay at walang hanggang Dios,1
sa pagkilos ng Banal na Espiritu,2 ay inilakip sa kanyang sarili ang tunay na kalikasang-tao, mula sa laman at dugo ng birheng Maria,3 kung kaya’t Siya rin ay tunay na binhi ni David,4 na katulad ng kanyang mga kapatid sa lahat ng bahay5 maliban sa kasalanan.6
1 John 1:1; 10:30–36; Acts 13:33 (Ps. 2:7); Col. 1:15–17; 1 John 5:20
2 Luke 1:35
3 Matt. 1:18–23; John 1:14; Gal. 4:4; Heb. 2:14
4 2 Sam. 7:12–16; Ps. 132:11; Matt. 1:1; Rom. 1:3
5 Phil. 2:7; Heb. 2:17
6 Heb. 4:15; 7:26–27
Q. Anong pakinabang ang iyong natanggap sa banal na pagkakapaglihi at pagkapanganak ni Cristo?
A. Na Siya ang ating Tagapamagitan1 at sa Kanyang kawalang kasalanan at ganap na kabanalan ay itinago sa paningin ng Dios ang lahat kong mga kasalanan kung saan ako ay ipinaglihi at isinilang.2
Q. Ano ang pagkaunawa mo sa salitang – “Siya ay nagdusa”?
A. Na Siya, sa buong panahon na Siya’y nabubuhay sa mundo, at higit pa, sa huling sandali ng Kanyang buhay, pinagtiisan Niya sa Kanyang katawan at kaluluwa ang pagkapoot ng Dios laban sa kasalanan ng sanlibutan.1 Sa gayon, dahil sa Kanyang pagpapakasakit bilang tanging handog2 ay natubos Niya ang ating katawan at kaluluwa mula sa walang hanggang kapahamakan,3 at matamo para sa atin ang kalinga ng Dios, katuwiran at buhay na walang hanggan.4
1 Isa. 53; 1 Pet. 2:24; 3:18
2 Rom. 3:25; Heb. 10:14; 1 John 2:2; 4:10
3 Rom. 8:1–4; Gal. 3:13
4 John 3:16; Rom. 3:24–26
Q. Bakit Siya nagdusa sa paglilitis ni Poncio Pilato bilang hukom?
A. Bagamat walang kasalanan, si Cristo ay hinatulan ng isang hukom na tao,1 sa gayong paraan ay napalaya Niya tayo mula sa matinding paghatol ng Dios na ipapataw sana sa atin.2
Q. Mayroon bang higit na halaga ang pagkapako ni Cristo sa krus sa halip na namatay Siya sa ibang paraan?
A. Oo. Mayroon, sapagkat nakatitiyak ako na dinala Niya sa kanyang sarili ang sumpang nararapat para sa akin, sapagkat isinumpa ng Dios ang sinumang namatay sa pagkapako sa krus1
Q. Bakit kailangan pang magpakumbaba si Cristo hanggang kamatayan?
A. Sapagkat alang-alang sa katarungan at katotohanan ng Dios: 1 ang kabayaran sa ating mga kasalanan ay hindi matutumbasan sa ibang paraan, maliban sa kamatayan ng Anak ng Dios.2
Q. Bakit Siya inilibing pa rin?
A. Ang pagkalibing Niya ay isang katibayan na tunay Siyang namatay.1
Q. Kung si Cristo ay namatay para sa atin, bakit kailangan pa na tayo ay mamatay?
A. Ang ating kamatayan ay hindi kabayaran sa ating mga kasalanan,1 sa halip, ito ay pag-aalis lamang ng kasalanan, na Siyang daan patungo sa walang hanggang buhay.2
Q. Ano pang dagdag pakinabang ang natatanggap natin mula sa pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo sa krus?
A. Sa bisa niyon, ang ating lumang pagkatao ay kasama Niyang napako sa krus, namatay at nalibing,1 nang sa gayon ang masasamang pita ng laman ay hindi na maghahari sa atin,2 sa halip ay maiaalay sa Kanya ang ating mga sarili para sa Kanya bilang handog ng pasasalamat.3
Q. Bakit may dagdag pang mga kataga na “bumaba Siya sa impierno”?
A. Na sa panahon ng matinding tukso/pagsubok, ako ay makatiyak at ganap na masiyahan katotohanang ito: na ang aking Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang di maipahayag na pighati, hapdi, sindak at mala-impiernong pagdurusa, kung saan, Siya ay nabaon sa gitna ng Kanyang pagtitiis, at higit pa noong Siya’y nakapako sa krus, ay pinalaya na Niya ako, mula sa hapis at paghihirap sa impierno?1
Q. Anong pakinabang ang idinulot sa atin ng muling pagkabuhay ni Cristo?
A. Una, sa Kanyang muling pagkabuhay ay napagtagumpayan Niya ang kamatayan, nang sa gayon ay magawa Niyang kabahagi tayo ng Kanyang katuwiran na binayaran Niya para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan.1 Pangalawa, sa bisa ng Kanyang kapangyarihan, tayo rin ay ibinangon sa isang bagong buhay.2 At panghuli, ang muling pagkabuhay ni Cristo ay isang tiyak na pangako sa ating maluwalhating pagkabuhay na muli..3
Q. Paano mo nauunawaan ang mga salitang, “Siya ay umakyat sa langit”?
A. Na si Cristo, sa gitna ng Kanyang mga alagad, ay itinaas mula sa lupa patungo sa langit1 at Siya’y mananatili roon para sa ating kapakanan,2 hanggang sa Kanyang muling pagdating upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.3
Q. Hindi ba’t si Cristo ay kasama natin hanggang sa katapusan ng mundo tulad ng Kanyang ipinangako?1
A. Si Cristo ay tunay na tao at tunay na Dios, sa Kanyang kalikasang-tao, si Cristo ay wala ngayon sa mundo, 1 ngunit sa Kanyang pagka-Dios, kamahalan, kagandahang-loob at espiritu, walang sandali na Siya ay hindi natin kasama.3
Q. Ngunit kung ang kalikasang-tao ni Cristo ay hindi nakakasama ng Kanyang pagka-Dios saanman Siya pumaroon; hindi ba kung gayon na ang dalawang kalikasan Niya ay nawawalay sa isa’t-isa?
A.Tiyak na hindi. Sapagkat ang Kanyang pagka-Dios na walang hanggan at sumasalahat ng dako,1 nararapat na sumunod sa Kanyang pagkawalang hanggan ang Kanyang kalikasang-tao, nang sa gayon ay manatiling magkaisa ang Kanyang dalawang kalikasan.2
Q. Sa anong pakinabang sa atin ang pag-akyat ni Cristo sa langit?
A. Una, Siya ang ating Tagapagtanggol sa harap ng Kanyang Ama sa langit.1 Pangalawa, mayroon na tayong likas na laman sa langit bilang tiyak na garantiya na Siya, bilang ating ulo ay itataas din sa Kanyang sarili, tayo na Kanyang katawan.2 Pangatlo, isinugo sa atin ang Kanyang Espiritu, bilang deposito.3 Sa bisa ng Kanyang kapangyarihan ay sinisikap nating hanapin ang mga bagay na makalangit, kung saan naroroon si Cristo na nakaluklok sa kanang kamay ng Dios, at hindi ang mga bagay na makasanlibutan.4
Q. Bakit idinagdag ang katagang “Siya’y naluklok sa kanang kamay ng Dios”?
A. Sapagkat si Cristo ay umakyat sa langit sa panahong ito, upang maipakita doon ang Kanyang sarili bilang ulo ng Kanyang iglesya,1 na sa pamamagitan Niya ay pinamamahalaan ng Ama ang lahat ng bagay.2
A. Una, na sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay ibinubuhos Niya ang lahat ng makalangit na pagpapala sa atin na mga bahagi ng Kanyang katawan.1 At sa pamamagitan din ng Kanyang lakas ay ipinagtatanggol at iniingatan tayo laban sa lahat ng kaaway.2
Q. Anong kaaliwan sa iyo na “si Cristo ay muling darating upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay”?
A. Na sa lahat ng kapighatian at pag-uusig na aking naranasan ay taas-ulo akong haharap sa taong naghandog ng Kaniyang buhay para sa aking kapakinabangan sa hukuman ng Dios
at sa gayon ay pinawi ang lahat ng sumpa mula sa akin.1 Siya’y darating bilang hukom na magsasadlak sa lahat Niyang kaaway at akin ding mga kaaway sa walang hanggang kaparusahan, subalit Siya ang maghahatid sa akin at sa lahat ng Kanyang mga hinirang sa makalangit na kagalakan at kaluwalhatian na kasama Niya.2
Q. Ano ang pinagtitiwalaan mo tungkol sa Banal na Espiritu?
A. Una, na Siya ay tunay, walang simula at walang hanggang Dios na katulad ng Ama at ng Anak.1 Pangalawa, na Siya ay ibinigay din sa akin,2 upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay makabahagi ako kay Cristo at sa lahat ng Kanyang pakinabang,3 na Siya ay maging kaaliwan ko,4 at kasama ko magpakailanman.5
Q. Ano ang iyong pinagtitiwalaan tungkol sa Banal na pangkalahatang Iglesyang Cristiano?
A. Na ang Anak ng Dios,1 mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo,2 ay tinitipon,3 ipinaglalaban at inaalagaan para sa Kanya4 sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at Salita,5
mula sa buong lahi ng sangkatauhan6 ang iglesyang hinirang para sa walang hanggang buhay, ayon sa tunay na pananampalataya; at ako ay mananatiling kaanib dito na nabubuhay magpakailanman.7
1 John 10:14–16; Acts 20:28; Rom. 10:14–17; Col. 1:18
2 Gen. 26:3b–4; Rev. 5:9
3 Isa. 59:21; 1 Cor. 11:26
4 Matt. 16:18; John 10:28–30; Rom. 8:28–30; Eph. 1:3–14
5 Acts 2:42–47; Eph. 4:1–6
6 1 John 3:14, 19–21
7 John 10:27–28; 1 Cor. 1:4–9; 1 Pet. 1:3–5
Q. Ano ang itong pagkaunawa sa “kapulungan ng mga banal”?
A. Una, na ang lahat at bawat isa na sumasampalataya, bilang kaisa ni Cristo, ay nakaugnay sa Kanya at kabahagi Niya sa lahat Niyang kayamanan at mga kaloob.1 Pangalawa,, na dapat malaman ng bawat isa na may katungkulan, nakahanda at nasisiyahang gamitin ang Kanyang mga kaloob para sa kapakinabangan ng iba pang mga kaanib.2
1 Rom. 8:32; 1 Cor. 6:17; 12:4–7, 12–13; 1 John 1:3
2 Rom. 12:4–8; 1 Cor. 12:20–27; 13:1–7; Phil. 2:4–8
Q. Ano ang pinagtitiwalaan mo tungkol sa “kapatawaran ng mga kasalanan”?
A. Na ang Dios, alang-alang sa kasiyahan ni Cristo ay hindi na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan1 kalilimutan na maging ang aking maruming kalikasan na nararapat kong labanan sa buong buhay ko.2 Sa halip ay mapagpala Niyang ipinataw sa akin ang katuwiran ni Cristo nang sa gayon ay hindi na ako humarap pa sa hukuman ng Dios.3
Q. Anong kaaliwan ang dulot sa iyo ng “muling pagkabuhay ng katawan”?
A. Na hindi lamang ang aking kaluluwa, matapos ng buhay na ito, ang kaagad isasama kay Cristo na aking ulo,1 kundi, maging ang aking katawan, na binuhay sa kapangyarihan ni Cristo ay muling makakasama ng aking kaluluwa, at makakatulad sa maluwalhating katawan ni Cristo..2
Q. Anong naging kaaliwan mo sa artikulong: “buhay na walang hanggan”?
A. Sapagkat ngayon pa lamang ay nadarama na sa aking puso ang simula ng walang hanggang kagalakan,1 matapos ang buhay na ito, ay mamanahin ko ang ganap na kaligtasan, na wala pang matang nakakita, wala pang taingang nakarinig o pumasok sa puso ninuman upang mapagtanto ang kaligayahang magpuri sa Dios ngayon at magpakailanman.2
Q. Ngunit anong pakinabang mo ngayong sumasampalataya ka sa lahat ng ito?
A. Na ako ay matuwid kay Cristo, sa harapan ng Dios at isang tagapagmana na walang hanggang buhay.1
1 John 3:36; Rom. 1:17 (Hab. 2:4); Rom. 5:1–2
Q. Paano ka naging matuwid sa harapan ng Dios?
A. Sa pamamagitan lamang ng tunay na pananampalataya kay Cristo.1 Nang sa gayon, kahit sumbatan ako ng sariling budhi, na hayagan akong sumuway sa lahat ng mga utos ng Dios at walang nasunod isa man,2 at ako’y nakakiling pa rin sa lahat ng kasamaan ngayon,3 gayunman, ang Dios na walang nakikitang mabuti sa akin,4 ngunit ayon sa Kanyang biyaya,5 ay ipinagkaloob, at ipinataw sa akin, ang ganap na kasiyahang-loob, katuwiran at kabanalan ni Cristo,6 na parang hindi ako nagkasala kailanman; na waring ganap kong natupad ang lahat na ginawa ng pagkamasunurin ni Cristo, para sa akin.7
1 Rom. 3:21–28; Gal. 2:16; Eph. 2:8–9; Phil 3:8–11
2 Rom. 3:9–10
3 Rom. 7:23
4 Titus 3:4–5
5 Rom. 3:24; Eph. 2:8
6 Rom. 4:3–5 (Gen. 15:6); 2 Cor. 5:17–19; 1 John 2:1–2
7 Rom. 4:24–25; 2 Cor. 5:21
Q. Bakit mo nasasabing ikaw ay matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya?
A. A. Hindi ako naging katanggap-tanggap sa Dios, dahil sa kahalagahan ng aking pananampalataya,
sapagkat tanging ang kasiyahang-loob, katuwiran at kabanalan lamang ni Cristo ang aking katuwiran sa harapan ng Dios,1 at hindi ko matatanggap at magagamit ang mga ito sa anumang paraan maliban lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.2
Q. Ngunit bakit hindi ang ating mabubuting gawa ang maging buo o maliit na bahagi man lang ng ating katuwiran sa harapan ng Dios?
A. Sapagkat ang katuwirang pinagtitibay sa hukuman ng Dios ay kailangang puspos na ganap at lubusang nakakasunod sa kautusan ng Dios1 at isa pa, lahat ng mabubuting gawa natin sa buhay na ito ay di ganap at nadungisan ng kasalanan.2
Q.Papaanong walang kabuluhan ang ating mabubuting gawa, gayong ipinangako ng Diyos na gagantimpalaan Niya tayo dito at sa buhay na hinaharap?1
A. Ang gantimpala ay hindi kabayaran sa pagsisikap, kundi kaloob na biyaya.2
Q. Ngunit hindi ba ginagawa ng doktrinang ito na maging pabaya at lapastangan ang mga tao?
A. Sa anumang paraan, hindi! Sapagkat imposible na yaong mga nahugpong na kay Cristo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ang hindi mamunga ng saganang pagpapasalamat.1
Q.Yamang tayo ay naging kabahagi ni Cristo at sa lahat Niyang pakinabang
sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, saan naman nagmumula ang pananampalatayang ito?
A. Mula sa Banal na Espiritu na Siyang gumagawa ng pananampalataya sa ating mga puso1 sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo,2 at pinatutunayan ito sa pamamagitan ng mga sakramento.3
A. Ang mga sakramento ay mga nakikitang banal na tanda at tatak na itinalaga ng Dios sa panahong ito. At ito ang mga pangako: na malayang ipinagkaloob sa atin ng Dios ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at buhay na walang hanggan, alang-alang sa nag-iisang pagpapakasakit na ginawa ni Cristo sa krus.2
Q. Ang Salita ba at mga sakramento ay parehong inilaan at pinagtibay sa ganitong pagkakataon
upang ituon ang ating pananampalataya sa pagpapakasakit ni Jesu-Cristo sa krus bilang tanging saligan ng ating kaligtasan?
A. Tunay nga, itinuturo sa atin ng Banal na Espiritu sa ebanghelyo at binibigyang katiyakan tayo
sa pamamagitan ng mga sakramento na ang kabuuan ng ating kaligtasan ay nakabatay sa nag-iisang pagpapakasakit na ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.1
Q. Ilang sakramento ba ang pinagtibay ni Cristo sa Bagong Tipan?
A. Dalawa: ang Banal na Bautismo at ang Banal na Hapunan1
Q. Paano ka napapaalalahanan at nabibigyang katiyakan sa pamamagitan ng banal na bautismo na ang nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus ay may tunay na pakinabang para sa iyo?
A. Sa ganitong paraan: na si Cristo ang nagtakda ng panlabas na paglilinis sa tubig,1 inilakip pa rito ang pangako na ako ay tiyak na nalinis sa pamamagitan ng kanyang dugo at Espiritu mula sa lahat na karumihan ng aking kaluluwa na dulot ng aking mga kasalanan, kagaya kung paano ako nalinisan sa panlabas ng tubig, kung saan ang karumihan ng katawan ay karaniwang nahuhugasan.2
Q. Ano ang ibig sabihin ng: “nahugasan sa dugo at Espiritu ni Cristo”?
A. Ito ay ang pagtanggap sa kaloob na kapatawaran ng Dios sa mga kasalanan alang-alang sa dugo ni Cristo na nabuhos para sa atin sa Kanyang ginawang pagpapakasakit sa krus.1 Ang pagbabagong dulot ng pagpapabanal ng Banal na Espiritu upang maging katawan ni Cristo nang sa gayon tayo ay tunay na mamatay sa kasalanan at makapamuhay na banal at walang kapintasan..2
1 Zech. 13:1; Eph. 1:7–8; Heb. 12:24; 1 Pet. 1:2; Rev. 1:5
2 Ezek. 36:25–27; John 3:5–8; Rom. 6:4; 1 Cor. 6:11; Col. 2:11–12
Q. Saan ipinangako ni Cristo na tiyak na huhugasan Niya tayo ng Kanyang dugo at Espiritu
kapag tayo ay nahugasan na ng tubig ng bautismo?
A. Nang pagtibayin ang sakramento ng bautismo kung san ay inihayag Niya “Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.1 Ang sumasampalataya at nabautismuhan ay maliligtas ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.2 Ang pangakong ito ay inulit kung saan ay tinawag ng kasulatan ang bautismo na paghuhugas sa muling kapanganakan3 at paghuhugas ng mga kasalanan.4
Q. Ang panlabas na paghuhugas ba na ito ng tubig ay nakalilinis ng mga kasalanan?
A. Hindi! Sapagkat tanging ang dugo ni Jesu-Cristo at ang Banal na Espiritu lamang ang nakapaglilinis sa atin sa lahat nating mga kasalanan.1
Q. Bakit tinatawag ng Banal na Espiritu ang bautismo na tubig ng muling kapanganakan at paghuhugas ng mga kasalanan?
A. Ang Dios ay nagsasalita sa madaling pamamaraan upang patunayan, hindi lamang turuan tayo na kung paano ang karumihan sa katawan ay nalilinis sa pamamagitan ng tubig, gayundin ang ating mga kasalanan ay matatanggal ng dugo at Espiritu ni Cristo.1 Subalit higit pa, nais Niyang tiyakin na sa pamamagitan ng banal na sangla at tanda, tayo ay tunay na nalinis sa ating mga kasalanan sa espirituwal na kaparaanan na gaya ng ating katawan ay nahugasan sa tubig.2
Q. Ang mga sanggol ba ay nararapat din na bautismuhan?
A. Oo, sapagkat sila man, tulad ng matatanda ay kabilang sa tipan at sa iglesya ng Dios,1 at yamang ang katubusan mula sa kasalanan ay sa pamamagitan ng dugo ni Cristo at ng Banal na Espiritu, ang may akda ng pananampalataya, ay ipinangako sa kanila na gaya ng matatanda.2 Sila ay nararapat kung gayon na mabautismuhan bilang tanda ng tipan, ay mapabilang sa Cristianong iglesya at makilalang bukod kaysa mga anak ng mga hindi mananampalataya.3 Ito ay ginagawa sa lumang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli,4 na ang naging kapalit nito ay ang bautismo na itinalaga sa bagong tipan.5
Q. Paano ka napapaalalahanan at nabibigyang katiyakan na sa Banal na hapag ng Panginoon na ikaw ay nakikibahagi sa nag-iisang pagpapakasakit na ginawa ni Cristo sa krus, at sa lahat Niyang kabutihan?
A. Sa ganitong paraan: Na inuutusan ako ni Cristo at ang lahat na mananampalataya na kaininin ang pinagpira-pirasong tinapay at uminom sa kopa bilang pag-aalaala sa Kanya, kalakip ang mga pangakong ito: Una, na ang Kanyang katawan na inialay at nalansag sa krus para sa akin at ang Kanyang dugong natigis para sa akin, ay katulad ng nakikita kong tinapay ng Panginoon na nawasak para sa akin at ang kopang ipinagtipan sa akin, at dagdag pa rito ay pinapakain at pinapalakas ang kaluluwa ko tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng katawan Niyang napako sa krus at sa dugong natigis habang tinatanggap ko sa kamay ng ministro at nalasahan ng aking bibig ang tinapay at kopa ng Panginoon na siyang tanda ng katawan at dugo ni Cristo.1
Q. Ano kung gayon ang pagkain ng katawang napako sa krus at pag-inom ng dugong nabuhos ni Cristo?
A. Hindi lamang ito pagyakap nang may pusong nananalig sa buong pagdurusa at kamatayan ni Cristo at sa gayon ay magkamit ng kapatawaran sa kasalanan at buhay na walang hanggan.1 Kundi bukod pa rito ay maging higit pa rin na makipag-isa sa Kanyang sagradong katawan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na naninirahang pareho kay Cristo at sa atin,2 nang sa gayon, bagama’t si Cristo ay nasa langit3 at tayo’y nasa lupa, gayunman tayo ay naging laman ng Kanyang laman at buto ng Kanyang buto.4 Dahil dito, tayo ay mabubuhay at pamamahalaan magpakailanman ng iisang espiritu bilang bahagi ng iisang katawan sa pagsakop ng iisang kaluluwa..5
1 John 6:35, 40, 50–54
2 John 6:55–56; 1 Cor. 12:13
3 Acts 1:9–11; 1 Cor. 11:26; Col. 3:1
4 1 Cor. 6:15–17; Eph. 5:29–30; 1 John 4:13
5 John 6:56–58; 15:1–6; Eph. 4:15–16; 1 John 3:24
Q. Saan ipinangako ni Cristo ng may katiyakan na pakakainin at palalakasin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang katawan at dugo sa tuwing kakain sila ng pinagpira-pirasong tinapay at iinom sa kopang ito?
A. Sa pagtatatag ng Hapag ng Panginoon kung saan ay ipinapahayag: Ang Panginoong Jesus noong gabing Siya’y ipinagkanulo ay kumuha ng tinapay at matapos na magpasalamat ay pinagpira-piraso ito at sinabi “Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Sa gayunding paraan ay kinuha Niya ang kopa, pagkatapos maghapunan at sinabi: “Gawin ninyo ito tuwing kayo’y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin.” Sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopa, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating Siya.1 Ang pangakong ito ay inulit ni Apostol Pablo kung saan ay sinabi niya: “Ang kopa ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito’y pakikisalo sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagputol-putol, hindi ba ito’y pakikisalo sa katawan ni Cristo? Sapagkat tayo. Na marami ay isang tinapay at isang katawan: sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa iisang tinapay2
Q. Ang tinapay at alak nga ba ay tunay na nagiging totoong katawan at dugo ni Cristo?
A. Hindi, sapagkat kung paanong ang tubig sa bautismo ay hindi nagiging tunay na dugo ni Cristo at hindi rin totoong nakapaglilinis sa mga kasalanan, kundi isa lamang tanda at pagtitibay na itinalaga ng Dios,1 gayundin ang tinapay sa Hapag ng Panginoon ay hindi nagiging tunay na katawan ni Cristo,2 kahit na ito ay tinatawag na katawan ni Cristo,3 sang-ayon sa kalikasan at katangian ng mga sakramento.4
1 Eph. 5:26; Titus 3:5
2 Matt. 26:26–29
3 1 Cor. 10:16–17; 11:26–28
4 Gen. 17:10–11; Ex. 12:11, 13; 1 Cor. 10:1–4
Q.Bakit kung gayon na tinawag ni Cristo ang tinapay na kanyang katawan at ang kopa na Kanyang dugo o bagong tipan sa Kanyang dugo; at sinabi rin ni Pablo ang “pakikibahagi sa katawan at dugo ni Cristo”?
A. Nagsasalita si Cristo para sa isang magandang layunin: hindi lamang tayo tinuturuan na katulad ng kung ang tinapay at alak ay nagbibigay lakas sa pansamantalang buhay, gayundin ang Kanyang katawan na napako sa krus at ang Kanyang natigis na dugo ay tunay na laman at inumin kung saan ang ating kaluluwa ay pinapakain tungo sa buhay na walang hanggan.1 Ngunit higit pa sa mga nakikitang mga tanda at mga simbolo, tayo ay totoong nakikibahagi sa Kanyang tunay na katawan at dugo (sa pagkilos ng Banal na Espiritu) habang isinusubo ang mga banal na simbolo bilang pagaalaala sa Kanya,2 at ang lahat Niyang mga pagdurusa at pagkamasunurin ay tunay na atin, na wari bang tayo mismo ang nagdusa at nagbayad para sa ating mga kasalanan sa Dios.3
Q. Anong pagkakaiba mayroon sa pagitan ng Hapag ng Panginoon at sa misa ng Papa (ng mga katoliko Romano)?
A. Pinatutunayan sa atin ng Hapag ng Panginoon na tayo ay mayroong ganap na kapatawaran sa lahat nating mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang pagpapakasakit ni Jesu-Cristo, kung saan Siya mismo ang gumanap sa krus.1 at tayo, sa pagkilos ng Banal na Espiritu ay inihugpong kay Cristo,2 na ayon sa Kanyang kalikasang-tao ay wala na dito sa mundo, kundi nasa langit sa kanang kamay ng Dios na Kanyang Ama3 at doon Niya nais na Siya ay sambahin natin.4 Subalit ang misa, ay nagtuturo na ang mga buhay at patay ay walang naging kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng minsanang pagpapakasakit ni Cristo, maliban na si Cristo ay ihandog din sa kanila araw-araw ng mga pari; at higit pa, na si Cristo na nasa anyong tinapay at alak ay doon nararapat sambahin, kung gayon, ang misa ay tahasang pagtanggi sa nag-iisang pagpapakasakit at pagdurusa ni Cristo at ito ay isang kasumpa-sumpang pagsamba sa dios-diosan
1 John 19:30; Heb. 7:27; 9:12, 25–26; 10:10–18
2 1 Cor. 6:17; 10:16–17
3 Acts 7:55–56; Heb. 1:3; 8:1
4 Matt. 6:20–21; John 4:21–24; Phil. 3:20; Col. 3:1–3
Q. Para kanino itinatatag ang Hapag ng Panginoon?
A. Para doon sa mga tunay na nagdadalamhati dahil sa kanilang mga kasalanan at gayunman ay nagtitiwala na ang lahat ng ito ay napatawad na alang-alang kay Cristo at gayundin ang kanilang natitirang karumihan ay natabunan na ng pagtitiis at kamatayan ni Cristo at sa kanila rin na buong pananabik na nagnanais na higit pang tumatag ang kanilang pananampalataya at makapamuhay nang may lubos na kabanalan, ngunit, ang mga palalo at ayaw lumapit ng taos-puso sa Dios ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanilang mga sarili.1
Q. Tatanggapin din ba sa hapag ng Panginoon ang mga taong nagpapahayag sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pamumuhay na sila ay hindi mananampalataya at hindi rin maka- Dios?
A. Hindi, sapagkat sa ganito ay nilalapastangan nila ang tipan ng Dios at ang Kanyang poot ay magniningas laban sa buong kongregasyon.1 Kaya nga katungkulan ng Cristianong iglesya, ayon sa pamantayan ni Cristo at ng Kanyang mga Apostol na huwag silang hayaang makibahagi sa pamamagitan ng mga susi ng kaharian ng langit hanggang sa sila ay makapagpakita ng tunay na pagbabagong buhay.
Q. Ano ang mga susi ng kaharian ng langit?
A. Ang pagpapahayag ng ebanghelyo at kristianong pagtutuwid o pagtitiwalag sa iglesyang kristiano, sa pamamagitan ng dalawang ito; nabubuksan ang kaharian ng langit sa mga mananampalataya at nasasarhan sa mga di mananampalataya.1
Q. Paano nabubuksan at nasasarhan ang kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng banal na ebanghelyo?
A. Sa ganitong paraan: Ayon sa utos ni Cristo, ito ay ipinahayag at hayagang pinatotohanan sa lahat at sa bawat mananampalataya, na sa sandaling tinanggap nila ang pangako ng ebanghelyo sa pamamagitan ng tunay na pananalig, ang lahat nilang mga kasalanan ay tunay ngang pinatawad na ng Dios alang-alang sa ginawa ni Cristo; kasalungat nito, kapag ito ay ipinahayad at pinatotohanan sa lahat na hindi mananampalataya at hindi sila tapat na nagsisi, sila ay nahaharap sa poot ng Dios at walang hanggang kaparusahan. Ayon sa patotoo ng ebanghelyong ito, habang hindi sila nananalig ay hahatulan sila ng Dios sa buhay na ito at sa darating pa.1
Q. Paano nabubuksan at nasasarhan ang kaharian ng Dios ng kristianong disiplina o pagtutuwid?
A. Sa ganitong paraan: Ayon sa utos ni Cristo, sila na tinatawag na mga kristiano ngunit naniniwala pa rin sa mga aral sa gawaing salungat sa katuruang kristiano at sa kabila ng mapagmahal na pagpapayong kapatid ay hindi pa rin tinalikdan ang kanilang kamalian at masamang pamumuhay; at matapos maidulog sa iglesya o sa mga itinalagang matatanda ng iglesya ay hinamak pa rin ang kanilang pagtutuwid, pagbabawalan na silang makibahagi sa mga sakramento, at sa pamamagitan nito ay itinitiwalag na sila sa kristianong iglesya at ng Dios mismo sa kaharian ni Cristo;1 subalit kapag sila ay nangako at nagpakita ng tunay na pagbabago, ay muling tatanggapin bilang bahagi ni Cristo at ng Kanyang iglesya.2
Q. Yamang tayo’y iniligtas na sa ating kapighatian sa tulong ng biyaya sa pamamagitan ni Cristo at hindi dahil sa anumang kabutihan natin; bakit kinakailangan pa tayong gumawa ng mabubuting gawa?
A. Sapagkat si Cristo, matapos na tayo’y tubusin at iligtas sa pamamagitan ng Kanyang dugo, ay patuloy pa rin tayong binabago ng Kanyang Banal na Espiritu patungko sa Kanyang wangis, nang sa gayon ay mapatotohanan ng ating binagong buhay ang buong pasasalamat sa mga pagpapala ng Dios,1 at sa gayon ay mapapurihan natin Siya,2 sa gayon pa rin na ang bawat isa ay makatiyak sa kanyang sariling pananampalataya sa pamamagitan ng mga bunga nito,3 at sa pamamagitan ng maka-Dios na pakikipag-usap ay maakit natin ang iba patungo kay Cristo.4
1 Rom. 6:13; 12:1–2; 1 Pet. 2:5–10
2 Matt. 5:16; 1 Cor. 6:19–20
3 Matt. 7:17–18; Gal. 5:22–24; 2 Pet. 1:10–11
4 Matt. 5:14–16; Rom. 14:17–19; 1 Pet. 2:12; 3:1–2
Q. Maliligtas ba ang mga taong nagpapatuloy sa kanilang kasamaan at walang utang na loob na pamumuhay ng hindi nagbabalik-loob sa Dios?
A. Hindi, sa anumang paraan; sapagkat ipinapahayag sa banal na kasulatan na walang taong immoral, sumasamba sa dios-diosan, mangangalunya, magnanakaw, sakim, lasenggo, mapanlait at mandarambong o sinumang gaya nito ang nagmamana ng kaharian ng Dios.1
Q. Sa ilang bahagi nabubuo ang tunay na pagbabago ng tao?
A. Sa dalawang bahagi: Ang dahan-dahang pagpatay sa luma, at ang pagbuhay sa bagong pagkatao.1
Q. Ano ang pagpatay sa lumang pagkatao?
A. Ito ay ang taos-pusong pagdadalamhati na kinamumuhian tayo ng Dios dahil sa ating mga kasalanan na nag-uudyok sa atin na labis-labis na kamuhian at itakwil ang kasalanan.1
Q. Ano ang pagbuhay sa bagong pagkatao?
A. Ito ay matapat na kagalakan ng puso sa Dios, sa pamamagitan ni Cristo,1 nang may pagmamahal at kalugurang mamuhay ayon sa kalooban ng Dios sa lahat ng mabubuting gawa.2
1 Ps. 51:8, 12; Isa. 57:15; Rom. 5:1; 14:17
2 Rom. 6:10–11; Gal. 2:20
Q. Subalit ano ang mabubuting gawa?
A. Iyon lamang nagmumula sa tunay na pananampalataya,1
ang ginawa ayon sa kautusan ng Dios,2
at para sa Kanyang kaluwalhatian,3
at hindi nagmula sa ating sariling pananaw o katuruan ng tao.4
Q. Ano ang kautusan ng Dios?
A. Ipinahayag ng Dios ang lahat ng utos sa Exo. 20; Deut.5; na nagsasabing: “Ako ang Panginoon na iyong Dios, na naglabas sa inyo, mula sa tahanan ng pagka alipin sa lupain ng Ehipto”:
Q. Paano nga ba nahahati ang mga kautusang ito?
A. Sa dalawang bahagi: Ang unang bahagi ay nagtuturo kung paano tayo makikitungo sa Dios at ang ikalawa nama’y nagsasabi kung paano tayo makikitungo sa ating kapwa.1
Q. Ano ang ipinagbabawal ng Dios sa Kanyang unang utos?
A. Na ako, gaya ng aking masidhing pagnanais sa kaligtasan ng aking kaluluwa ay nararapat umias at lumayo sa lahat ng uri ng dios-diosan,1 pangkukulam, panghuhula, pamahiin,2 pananalangin sa mga santo o kanino mang nilalang3 at higit pa rito ay matutong kilalanin ng tama ang tunay at nag-iisang Dios,4 magtiwala sa kanya lamang,5 magpasakop sa kanya nang may kababaang-loob6 at pagtitiis7 umasa sa lahat ng mabubuting bagay sa kanya lamang,8 ibigin,9 pagpitaganan,10 at luwalhatiin Siya111 ng buong puso, gayundin ay itakwil at talikdan ko ang lahat ng nilalang kaysa gumawa kahit kaliit-liitang bagay na labag sa Kanyang kalooban.12
1 1 Cor. 6:9–10; 10:5–14; 1 John 5:21
2 Lev. 19:31; Deut. 18:9–12
3 Matt. 4:10; Rev. 19:10; 22:8–9
4 John 17:3
5 Jer. 17:5, 7
6 Ps. 104:27–28; James 1:17
7 1 Pet. 5:5–6
8 Col. 1:11; Heb. 10:36
9 Matt. 22:37 (Deut. 6:5)
10 Prov. 9:10; 1 Pet. 1:17
11 Matt. 4:10 (Deut. 6:13)
12 Matt. 5:29–30; 10:37–39
Q. Ano ang pagsamba sa mga dios-diosan?
A. Ang pagsamba sa mga dios-diosan ay ang pagkakaroon o pag-gawa ng anumang bagay na kung saan ay inilalagak natin ang ating pagtitiwala sa halip na, o bilang karagdagan, sa nag-iisang tunay na Dios na nagpakilala ng Kanyang sarili sa atin, sa pamamagitan ng Kanyang Salita.1
Q. Ano ang hinihingi ng Dios sa kanyang ikalawang utos?
A. Na tayo, sa anumang kaalaman ay hidi dapat ipakilala ang Dios sa pamamagitan ng mga inanyuang mga larawan1 o sambahin Siya sa anumang pamamaraan, maliban sa iniuutos Niya sa kanyang Salita.2
1 Deut. 4:15–19; Isa. 40:18–25; Acts 17:29; Rom. 1:22–23
2 Lev. 10:1–7; 1 Sam. 15:22–23; John 4:23–24
Q. Kung gayon, hindi nga tayo maaaring gumawa ng kahit anong inanyuang larawan o imahe?
A. Ang Dios ay hindi maisasalarawan at hindi maaaring isalarawan sa anumang pamamaraan na nakikita. Ang mga nilalang ay maaaring maisalarawan, ngunit ipinagbabawal ng Dios ang gumawa tayo o magkaroon ng anumang larawan ng mga ito upang sambahin sila at paglingkuran ang Dios sa pamamagitan nila.1
Q. Ngunit hindi ba maaaring gamitin ang mga larawan/imahe sa mga iglesya bilang tulong sa pag-aaral ng kongregasyon?
A. Hindi, sapagkat hindi tayo makapagkukunwari na marunong pa tayo sa Dios. Nais ng Dios na turuan ang Kanyang mga hinirang hindi sa pamamagitan ng mga piping larawan1—subalit sa pamamagitan ng buhay na pangangaral sa Kanyang Salita.2
Q. Ano ang hinihingi sa ikatlong utos?
A. Na tayo ay hindi dapat lapastanganin o abusuhin ang pangalan ng Dios sa pamamagitan ng pagmumura,1 panunumpa ng walang katotohanan,2 at sa pamamagitan din ng walang tapos na panunumpa,3 o sa pananahimik at pakikibahagi sa ganitong uri ng kakila-kilabot na kasalanan ng iba.4
Samakatuwid kailangang gamitin natin ang banal na pangalan ng Dios nang may pagkatakot at paggalang5 upang maipahayag natin Siya ng tama6 at sambahin natin Siya,7 at sa gayon ay naluluwalhati Siya sa ating mga salita at gawa.8
1 Lev. 24:10–17
2 Lev. 19:12
3 Matt. 5:37; James 5:12
4 Lev. 5:1; Prov. 29:24
5 Ps. 99:1–5; Jer. 4:2
6 Matt. 10:32–33; Rom. 10:9–10
7 Ps. 50:14–15; 1 Tim. 2:8
8 Col. 3:17
100 Q. Ang paglapastangan ba sa pangalan ng Panginoon sa pamamagitan ng panunumpa at pagmumura ay tunay ngang kasuklam-suklam na kasalanan na ang galit ng Dios ay nagdiringas pati na sa mga walang ginagawa upang sapilin at ipagbawal ang pagmumura at panunumpang ito?
A. Walang pag-aalinlangan na totoo nga.1 Sapagkat walang kasalanan na higit pa rito o makapupuka sa poot ng Dios ng higit sa paglapastangan sa Kanyang pangalan, kaya nga ipinag-utos Niya ang kasalanang ito ay pagbabayaran ng kamatayan.2
Q. Subalit maaari ba tayong manumpa na gamit ang pangalan ng Dios sa pamamaaraang may kabanalan?
A. Oo, kapag hinihingi ng pamahalaan sa mga nasasakupan nito, o kung hinihingi ng pagkakataon, upang mapanatili at mapag-ibayo ang katapatan at katotohanan, sa ikaluluwalhati ng Dios at sa ikabubuti ng ating kapuwa. Ang ganitong panunumpa ay nababatay sa Salita ng Dios1 at ginamit nga ng tama ng mga banal sa Luma at Bagong Tipan.2
1 Deut. 6:13; 10:20; Jer. 4:1–2; Heb. 6:16
2 Gen. 21:24; Josh. 9:15; 1 Kings 1:29–30; Rom. 1:9; 2 Cor. 1:23
Q. Maari rin ba tayong manumpa sa pamamagitan ng mga santo o ng ibang nilalang?
A. Hindi! Sapagkat ang makatuwirang panunumpa ay pagtawag sa Dios bilang nag-iisang nakakatatarok ng nilalaman ng puso at Siya ang sasaksi sa katotohanan at magpaparusa sa akin kung manunumpa ako sa kasinungalingan1 na walang nilalang na karapat-dapat magkamit ng karangalan.2
Q. Ano ang hinihingi ng Dios sa kanyang ikaapat na utos?
A. Una, na ang gawain ng ebanghelyo at pagtuturo ay manatili,1 na ako, lalo na sa Sabbath na araw ng pamamahinga ay buong sipag na dadalo sa iglesya ng Dios2 upang making ng Kanyang Salita,3
makibahagi sa sakramento,4 hayagang tumawag sa Panginoon,5 at magbigay ng kristianong tulong sa mga kapus-palad.6 Pangalawa, na sa lahat ng araw ng aking buhay ay tumigil na ako sa aking masasamang gawa, at isuko ang aking sarili sa Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu at nang sa gayon ay magsimula na sa buhay na ito ang walang hanggang Sabbath.7 (Araw ng pamamahinga para sa Panginoon)
Q. Ano ang hinihingi ng Dios sa Kanyang ikalimang utos?
A.A. Na ako ay magpamalas ng buong paggalang, pag-ibig at katapatan sa aking ama at ina at sa lahat ng nakatataas sa akin, magpasakop ako sa kanilang mabuting aral at pagtutuwid nang may karampatang pagsunod1 at pati na rin ang pagtitiis sa kanilang kahinaan at kakulangan2—yamang nakalulugod sa Dios na tayo’y mapangasiwaan sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.3
Q. Ano ang hinihingi ng Dios sa Kanyang ika-anim na utos?
A. Na kahit sa isip o pananalita o sa kilos lalo na sa gawa ang hindi paggalang, pagkamuhi, pananakit o pagpatay sa aking kapwa sa pamamagitan ko o ng iba;1 sa halip, ay kalilimutan ko ang pagnanasang maghiganti2 at hindi ko rin sasaktan ang aking sarili o ilalagay ito sa panganib sa pamamagitan ng kawalang-ingat.3 Gayundin, ang pamahalaan ay may batas na huwag papatay.4
1 Gen. 9:6; Lev. 19:17–18; Matt. 5:21–22; 26:52
2 Prov. 25:21–22; Matt. 18:35; Rom. 12:19; Eph. 4:26
3 Matt. 4:7; 26:52; Rom. 13:11–14
4 Gen. 9:6; Ex. 21:14; Rom. 13:4
Q. Ngunit ang utos na ito ay wari bang tungkol lamang sa pagpatay?
A. Sa pagbabawal sa pagpatay, itinuturo sa atin ng Dios kinamumuhian Niya ang dahilan nito gaya ng inggit, poot, galit, pagnanasang maghiganti1 at itinuturing Niya ang lahat ng ito na pagpatay.2
Q. Ngunit sapat na ba ito na hindi lang tayo pumatay ng sinuman sa pamamaraang nakasaad sa itaas?
A. Hindi. Sapagkat nang ipagbawal ng Dios ang inggit, poot at galit, ay inuutusan tayo na mahalin ang ating kapwa na gaya ng ating sarili,1 magpakita ng pagtitiyaga, kapayapaan, kaamuan, kahabagan at lahat ng kabaitan sa kanila,2 at iwasan ang makasakit at gumawa ng kabutihan kahit sa ating mga kaaway.3
Q. Ano ang itinuturo sa atin ng ika-pitong utos?
A. Na ang lahat ng kalaswaan ay isinumpa ng Dios,1 kaya nga nararapat na buong puso nating kamuhian din ito2 at mamuhay tayong banal at may pagpipigil sa sarili sa loob man ng banal na samahan ng mag-asawa o sa mag-isang pamumuhay.3
Q. Ang ipinagbabawal lang ba ng Dios sa kautusang ito ay pangangalunya at mga nakakahiyang kasalanan na katulad nito?
A. Yamang ang ating katawan at kaluluwa ay parehong templo ng Banal na Espiritu, iniuutos sa atin na panatilihin itong busilak at banal, kaya nga, ipinagbawal Niya ang maruruming gawa, kilos, pananalita, kaisipan, pagnanasa1 o anumang maaaring makaakit sa atin sa karumihan.2
Q. Ano ang ipinagbabawal ng Dios sa Kanyang ika-walong utos?
A. A. Ipinagbabawal ng Dios hindi lamang ang pagnanakaw at panloloob2 na pinarurusahan ng pamahalaan;1 subalit itinuturing din ng Dios na pagnanakaw ang lahat na masamang balak at pamaraan kung saan ay ninanais nating angkinin ang bagay na pag-aari ng ating kapwa3 maging sa pamamagitan ng dahas o panlilinlang,2 gaya ng: di tamang panimbang, maling panukat, huwad n paninda o pera, labis na patubo sa pamamagitan ng anumang paraan na ipinagbabawal ng Dios.3 gaya rin ng lahat na pag-iimbot, lahat ng pagmamalabis4 at pag-aaksaya ng Kanyang mga kaloob..5
1 Ex. 22:1; 1 Cor. 5:9–10; 6:9–10
2 Mic. 6:9–11; Luke 3:14; James 5:1–6
3 Deut. 25:13–16; Ps. 15:5; Prov. 11:1; 12:22; Ezek. 45:9–12; Luke 6:35
4 Luke 12:15; Eph. 5:5
5 Prov. 21:20; 23:20–21; Luke 16:10–13
Q. Ngunit ano ang hinihingi ng Dios sa utos na ito?
A. Na itaguyodko ang kapakanan ng aking kapwa sa lahat ng pagkakataon na kayak o o pakitunguhan ko sila na gaya ng nais ko kung paano ako pakikitunguhan ng iba at higit pa ay buong katapatan akong magtrabaho nang sa gayon ay makatulong ako sa mga nangangailangan.1
Q. Ano ang hinihingi sa ika-siyam na utos?
A. Na ako ay hindi dapat magbigay ng maling pagsaksi laban sa kaninuman, o baluktutin ang salita ng iba, makipagtsismisan o manirang-puri, na hindi ako dapat humatol o makisama sa paghatol sa iba nang madalian at hindi nakakapangatuwiran man lang,1 sa halip ay dapat kong iwasan ang lahat ng uri ng kasinungalingan at pandaraya na siyang gawain mismo ng diablo,2 maliban na mapunta sa akin ang matinding poot ng Dios; gayundin, na sa paghatol at lahat ng pakikisama dapat kong mahalin ang katotohanan,3 salitain at ipahayag ito nang makatuwiran at ipagtanggol ko rin ito at itaguyod sa abot ng aking kakayahan ang karangalan at kabutihan ng aking kapwa.4
Q. Ano ang hinihingi ng ika-sampung utos sa atin?
A. Na ang pinakamaliit man na pagkiling o kaisipan na salungat sa alinmang utos ng Dios ay hindi dapat umusbong sa ating mga puso, sa halip, sa lahat ng pagkakataon ay kamuhian ng buong-puso ang lahat ng kasalanan at ikalugod ang lahat ng makatuwiran.1
Q. Ngunit magagawa ba ng mga nagbalik-loob sa Dios na maisakatuparan ng ganap ang lahat ng kautusan?
A. Hindi. Sapagkat ang pinakabanal na tao man sa buhay na ito ay may bahagyang pasimula lamang ng pagsunod.1 Gayunman sa tapat na katatagan ay nagsisimula silang mamuhay, hindi lamang ayon sa ilan kundi ayon sa lahat ng utos ng Dios.2
Q. Bakit mahigpit na ipinapangaral ng Dios ang sampung utos gayong wala naming sinuman na ganap na makatutupad sa mga ito?
A. Una, upang sa buong buhay natin ay labis at labis nating malaman ang ating makasalanang kalikasan, nang sa gayon ay lalo tayong manabik na hanapin ang kapatawaran sa kasalanan at ang katuwiran ni Cristo.1 Gayundin ay palagi tayong magsumikap at manalangin sa Dios para sa biyaya ng Banal na Espiritu upang tayo ay maging labis-labis na makahawig sa wangis ng Dios, hanggang sa marating natin ang kaganapan na iminumungkahi sa atin sa buhay na darating.22
Q. Bakit kinakailangan pa ang panalangin para sa mga kristiano?
A. Sapagkat ito ang pangunahing bahagi ng pagpapasalamat na hinihiling sa atin ng Dios1 at higit pa rito, ipinagkakaloob ng Dios ang kanyang biyaya at Banal na Espiritu, doon lamang sa mga may tapat na pagnanasang patuloy na humihingi sa Kanya ng mga kaloob na ito at nagpapasalamat sa kanya para sa mga ito.2
Q. Ano ang mga kailangan sa panalangin na katanggap-tanggap sa Dios at Kanyang pinapakinggan?
A. Una, na tayo ay buong-pusong manalangin sa iisang tunay na Dios lamang na nagpakilala sa atin sa Kanyang Salita para sa lahat ng mga bagay na iniutos Niya na ipanalangin natin.1 Pangalawa, na tayo ay dapat may wasto at lubos na kaalaman sa ating mga kailangan at mga paghihirap upang taimtim na magpakumbaba sa harapan ng Dios.2 Pangatlo, na tayo ay ganap na naniniwala na kahit hindi tayo karapat-dapat na humarap sa Dios, alang-alang kay Cristo na ating Panginoon ay tiyak na diringgin ang ating panalangin na gaya ng ipinangako Niya sa Kanyang Salita.3
1 Ps. 145:18–20; John 4:22–24; Rom. 8:26–27; James 1:5; 1 John 5:14–15
2 2 Chron. 7:14; Ps. 2:11; 34:18; 62:8; Isa. 66:2; Rev. 4
3 Dan. 9:17–19; Matt. 7:8; John 14:13–14; 16:23; Rom. 10:13; James 1:6
Q. Ano ang iniuutos ng Dios na hilingin natin sa Kanya?
A. Sa lahat ng mga bagay na kailangan ng kaluluwa at katawan na kasama sa panalanging ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo ang nagturo sa atin.1
A. Ama naming nasa langit,
sambahin ang ngalan Mo.
Dumating nawa ang kaharian Mo,
mangyari nawa ang Iyong kalooban,
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw,
at patawarin Mo kami sa aming mga sala,
tulad ng pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin;
at ilayo Mo kami sa tukso
at iligtas Mo kami sa lahat ng masasama.
Sapagkat sa Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kaluwalhatian magpakailanman.
Amen!1
Q. Bakit inutusan tayo ni Cristo na tawagin ang Dios na “Ama Namin”?
A. Upang sa pasimula pa lang ng ating panalangin ay mabilis na mapukaw ang ating paggalang at pagtitiwala sa Dios na parang isang bata na siyang batayan ng ating panalangin, sabihin pa na ang Dios ay naging Ama natin dahil kay Cristo, ay hindi Niya matatanggihan ang ating hinihiling nang may tunay na pananampalataya, na tulad ng ating ama dito sa lupa na hindi maipagkait ang mga bagay na ating hinihiling dito sa mundo.1
Q. Bakit idinugtong pa ang katagang “na nasa langit”?
A. Sapagkat iniiwasan na makapag-ukol tayo ng makalupang kaisipan sa makalangit na kadakilaan ng Dios1 at upang umasa tayo sa Kanyang makapangyarihang lakas ng lahat ng bagay na kailangan ng ating kaluluwa at katawan.2
Q. Alin ang unang pagsamo?
A. “Sambahin nawa ang ngalan Mo”. Ito ay: ipagkaloob Mo sa amin, una sa lahat, na makilala ka naming ng tama1 at upang parangalan, luwalhatiin at purihin Ka sa lahat ng Iyong mga gawa kung saan ang Iyong lakas, karunungan, kabutihan, katarungan, kaawaan at katotohanan ay maliwanag na nahahayag.2 At higit pa rito ay maituon pa rin sa aming pag-iisip, pananalita at mga gawa sa Iyo upang ang iyong pangalan ay hindi malapastangan at sa halip ay lagging maparangalan at mapapurihan..3
Q. Alin ang ikalawang pagsamo?
A. “Dumating nawa ang kaharian Mo”, na ang kahulugan ay: Pagharian Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Salita at Espiritu nang kami ay higit pang magpasakop sa Iyo,1 alagaan at palaguin ang Iyong iglesya.2 Wasakin ang mga gawa ng Diablo at lahat ng karahasang nag-aaklas laban sa Iyo pati na rin ang mga buktot na payo ang hangad ay laban sa Iyong banal na Salita.3 Hanggang sa dumating ang kaganapan ng Iyong kaharian na kung saan Ikaw ay sumasalahat-lahat.4
Q. Alin ang ikatlong pagsamo?
A. “Mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit.” na ang kahulugan ay loobin Mo nawa na kami at ang lahat ng tao ay tumanggi sa aming sariling kalooban at malayang sumunod sa Iyong Kalooban na siya naming mabuti1; na ang bawat isa ay makapagtuon ng pansin at makatupad sa gawaing hatid ng pagkatawag sa amin,2 ng kasing luwag sa kalooban at katapatan ng mga anghel sa langit.3
Q. Alin ang ika-apat na pagsamo?
A. “Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakainin sa araw-araw;” na ang kahulugan ay : maluwag nawa na ipagkaloob Mo sa amin ang lahat na pangangailangan ng aming katawan1 nang sa gayon ay kilalanin ka naming na ang tanging pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay,2 na ang aming pamamahala at pagsisikap, maging ang iyong mga kaloob ay hind imaging pakinabang para amin kung wala ang iyong pagpapala.3 Kaya nga, dapat naming talikdan ang pagtitiwala sa sinumang nilalang at ilagak ito sa Iyo lamang.4
Q. Alin ang ika-limang pagsamo?
A. “At patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin,” na ang kahulugan ay: masiyahan ka nawa, alang-alang sa dugo ni Cristo, na huwag ibilang sa amin na mga hamak na makasalanan ang mga pagsalangsang at kasamaang mananatili pa sa amin1,
kahit nadarama naming ang katibayan ng iyong pagpapala, at ito ang matatag na pagpapasiya mula sa puso na patawarin an gaming kapwa.2
Q. Alin ang ika-anim na pagsamo?
A. “At huwag Mo kaming hayaang matukso kundi iligtas Mo kami sa lahat ng masama”, na ang kahulugan ay: sa ganang aming sarili, kami ay mahina at hindi kayang manindigan kahit saglit,1 higit pa rito, ang aming kaaway: ang diablo,2 ang sanlibutan,3 at ang sarili naming katawan4—ay hindi tumitigil sa panunukso sa amin at dahil dito, loobon Mo nawang katigan kami at palakasin sa kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, nang sa gayon, ay hindi kami malugmok sa pagkatalo sa pakikibakang espiritwal na ito,5 manapa’y matatag naming malabanan an gaming kaaway, hanggang sa wakas ay makamtan ang ganap na tagumpay.6
1 Ps. 103:14–16; John 15:1–5
2 2 Cor. 11:14; Eph. 6:10–13; 1 Pet. 5:8
3 John 15:18–21
4 Rom. 7:23; Gal. 5:17
5 Matt. 10:19–20; 26:41; Mark 13:33; Rom. 5:3–5
6 1 Cor. 10:13; 1 Thess. 3:13; 5:23
Q. Paano mo tinatapos ang iyong Panalangin?
A. “Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman,” na ang kahulugan ay : Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa Ito sapagkat Ikaw ang aming Hari na may kapangyarihan sa lahat ng bagay ay may pagnanais at kakayahan na magkaloob sa amin ng lahat na mabuti;1 at nananalangin kami na hindi kami, kundi, ang Iyong banal na pangalan ang maluwalhati magpasawalang-hanggan.2
Q. Ano ang kinakatawan ng Salitang “AMEN”?
A. Ang kahulugan ng “AMEN” ay: ito ay totoo at may katiyakan sapagkat mapagkakatiwalaan na diringgin ako ng Dios sa aking panalangin kaysa aking nararamdamang pagnanais na makamtan ito mula sa kanya.1
1 Isa. 65:24; 2 Cor. 1:20; 2 Tim. 2:13
Isinalin sa Tagalog ni: Pastor Ben Sandoval
Sanggunian (Reference)